Netizens Hop Into TikTok Trending Cong TV and Viy Cortez Face Filters

Top trending ngayon sa TikTok ang paggamit ng face filter na hango sa wangis ng YouTube Power Couple sa bansa na sina Cong TV at Viy Cortez.

Hindi napigilan ng mga netizens na makiisa sa nasabing trend na ibinahagi sa kanilang mga social media accounts.

The Cong TV and Viy Cortez Filter

Dahil sa walang katapusang pagsuporta sa Team Payaman, partikular na kina Cong TV at Viy Cortez, isang fan ang naisipang gumawa ng filter na hango sa mga histura nito.

Ang TikTok user na si chunkyyy_fltr ang nakaisip na gumawa ng nasabing mga filter at ibinahagi ito sa kanyang mga followers.

Umabot na sa mahigit 27,000 videos ang gumamit ng filter ni Viviys at 246 naman para kay TP Headmaster Cong TV.

Bukod kina Cong at Viy, gumawa rin si Chunkyyy Artsiii ng ilang mga filter na hango sa wangis ng iba pang mga kilalang personalidad sa mundo ng content creation, dahilan upang tanghalin itong Effect House Top Creator ng TikTok. 

Netizens’ Reaction

Hindi nagpahuli ang solid Chicken Feet Gang at mga Viviys sa pagsubok ng kwelang mga filter ng mag-nobyong CongTViy.

Umani ng 2.6 million views at mahigit sa 100,000 likes ang TikTok reel ni Brutt na sumubok ng Viy Cortez filter.

Brutt: “Siguro sa lahat ng filter, ito yung pinakamatino! So far!”

Hindi rin naman nagpahuli ang TikTok personality na si Katherine Balios sa paggamit ng top trending Viy Cortez filter na umami ng mahigit 300,000 views.

Katherine: “Viy Cortez’s filter hits different[ly]. 

Samantala, tinapos naman ni Elyn Loyaga ang pila sa TikTok reel nitong umabot ng mahigit 600,000 views gamit ang Viy Cortez filter.

Elyn: “Shemms Ms Viy Cortez grabe na!! Ganda kahit naka iphone nalang din!”

Yenny Certeza

Recent Posts

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

3 minutes ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

14 minutes ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

2 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

5 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

7 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

7 days ago

This website uses cookies.