Boss Keng Passes Another Craving Challenge by Expecting Wife, Pat Velasquez-Gaspar

Panibagong araw, panibagong pagsubok na naman ang hinarap ni soon-to-be daddy Boss Keng. Ito ay matapos muling maghanap ng kinatatakamang pagkain ang misis nitong si Pat Velasquez-Gaspar na ngayon ay pinagbubuntis ang kanilang panganay. 

Saksi ang bawat netizens sa tila naging “Cravings Serye” ng mag-asawa na ibinahagi ng soon-to-be mom sa kanyang social media accounts.

From daddy to deliver rider real quick?

Nagsimula ang lahat sa isang Facebook post ni Pat Velasquez-Gaspar na nagpapahiwatig ng paghahanap nito ng all-time favorite Filipino snack na Palitaw at Ginataang Bilo Bilo. 

“Kung nasaan ka man Boss Keng dapat paguwi mo may dala kang ganito,” bungad ni Pat sa asawang nasa gitna ng biyahe kasama ang Team Payaman Moto Club.

“Kung wala kang maiuuwi, delivery rider ang pakilala ko sayo sa bata. Vroom vroom! Ride safe. Bye,” pabirong banta nito. 

Makalipas ang ilang oras ay humingi naman ng tulong sa netizens si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng upang mahanap ang pagkaing pinaglilihian ng misis.

“LF: PALITAO AND BILO BILO GET PO ASAP PLEASE. Di po kami makauwi,” ani Boss Keng. 

Dinagsa naman ang comment section ng nasabing post ng biro mula sa netizens at mga kaibigan nila sa Team Payaman. 
Vien Iligan-Velasquez: “Meron dito sa lamay ng lolo ko HAHAHAHAHA”

Kha Kha: “Bukas kana lang umuwi kuya.”

Angel Amaqui: “Boss Keng okay lang yan atleast di na ako mahihirapan magpabook pauwi samin.”

Michael Magnata: “May niyog ako pero wala ako makita kadkaran ngipin q nalang.”

Mission Passed

Bago pumatak ang alas dose ng madaling araw ay matiwasay na nakauwi si Boss Keng bitbit ang pasalubong na Palitaw para kay Mrs. Gaspar. 

“Things you can do for love! Mission passed! Thank you Daddy Boss Keng,” pasasalamat ni Pat sa kanyang mister.

Samantala, sa isang TikTok video, ibinahagi ni Pat ang kanyang kasiyahan sa pasalubong ni Boss Keng. 

“This is the best Palitaw, ever!” ani Mommy Pat habang nilalantakan ang masarap na kakanin. 

Kath Regio

Recent Posts

Little Pat or Little Keng: Tracing Baby Ulap’s Adorable Features

Matapos matunghayan ang hindi matatawarang karanasan ng pamilya Velasquez-Gaspar sa pagdating ni Baby Ulap, usap-usapan…

7 hours ago

Here Are the Best Ways to Use Viyline’s Perfect Scent Spray N’ Wipe for Quick Clean-Ups

Looking for a cleaner that smells amazing and gets the job done fast? Viyline’s Perfect…

7 hours ago

EXCLUSIVE: Pat Velasquez-Gaspar Shares the Birth of Ulap Patriel

February 28, 2025 nang ipanganak na ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang…

10 hours ago

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

1 day ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

2 days ago

This website uses cookies.