Team Payaman’s Chef Enn Hits News Milestone After First-Ever TV Guesting

Hindi lang pang-vlog, pang TV pa! 

‘Yan ang isa sa mga hindi malilimutang pangyayari ni Team Payaman resident chef, Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, matapos sumabak sa kanyang kauna-unahang TV guesting. 

Chef Enn’s First TV Guesting

Kamakailan lang ay bumida si Chef Enn sa morning show na Rise and Shine Pilipinas ng People’s Television Network (PTV 4) network. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi nito ang kanyang mga naging paghahanda para sa kanyang first television appearance. 

Gamit ang kanyang motor, binaybay ni Chef Enn ang Visayas Avenue sa Quezon City upang makarating sa studio ng PTV 4.

Pagkatapos mag-ayos ay dumiretso si Chef Enn sa studio upang tumulong ayusin ang kitchen setup at mga kakailanganin nya sa pagluluto. 

Bumida si Chef Enn sa segment na Sarap Pinoy, at wala pang ilang oras ay sumalang na ito sa pagluluto sa harap ng camera.

Naatasang magluto si Chef Enn ng Pasta with Salted Egg at Lumpia Veggies with Sweet Peanut Soy Sauce o Lumpiang Sariwa. 

Ipinasilip Din ni Chef Enn ang ilan sa mga clips ng kanyang TV guesting para sa mga nais itong mapanood ng live.

Netizens’ Reactions

Ipinahatid ng mga taga-suporta ni Chef Enn ang kanilang pagbati para sa kanyang kauna-unahang TV guesting.

Jzel: “You can never go wrong with Team Payaman. Lahat talaga paangat! Congrats Chef Enn! Konting kembot na lang din you’ll get Silver Play Button naaa. Subscribe na guys!”

The Goody Addy: “Silent subscriber ni Chef here. You truly deserved it chef… more more guestings to come… nakakatuwa talaga ang TP team, lahat sila totoong tao at lahat sila payaman. Ang tindi ni Cong maggabay sa mga team payaman… ang galing lang talaga. ang dami gumaya ng grupo grupo o samahan ng vlogger pero wala talaga makakatalo sa Team Payaman team!!!!”

Grace Potestades: “Deserved!! Congrats, Chef Enn! Sabi na eh, di malabong magkaroon ka ng tv guesting. Very jolly and magaling din kasi talaga, plus point pa ang pagiging pogi!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.