Isang taon na ang nakalipas nang opisyal na buksan nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang pintuan ng Wagyuniku by Pat and Keng.
Dahil dito, isang masayang summer outing at anniversary party ang hatid ng mag-asawa, hindi lang sa mga empleyado ng Wagyuniku BF Aguirre, kundi maging sa mga staff ng Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng.
Noong May 1, kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Manggagawa ay ipinagdiwang din nina Boss Keng at Pat ang kasipagan ng kanilang mga empleyado.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mrs. Gaspar ang “Boss Madam Summer Outing” na ginanap sa Por la Gracia resort sa Alfonso, Cavite.
“Sa isang buong taon namin sa Wagyiniku, and noong December nag start kami sa Glam Central, sobrang sisipag ng mga staff talaga namin,” paliwanag ni Pat.
“Deserve nila na i-treat sila. So ngayong araw na ito ang gagawin lang nila ay magpahinga, mag swimming, mag relax, kumain, pagsilbihan, at mag enjoy,” dagdag pa nito.
Nagpasalamat din ang mag-asawang Pat at Keng sa sakripisyo at sipag ng kanilang mga tauhan.
“Wala po ang Wagyuniku at Glam (Central) kung wala kayong lahat, so maraming maraming salamat. Kaya ang araw na ‘to ay para sa inyo,” ani Pat.
At bilang pasasalamat, niregaluhan din nina Mr. and Mrs. Gaspar ang kanilang mga tapat na empleyado at binigyan ng Certification of Loyalty at dalawang libong piso.
Dagdag limang libong piso naman para sa isang empleyadong may complete attendance at hindi na-ate sa trabaho kahit minsan.
Suot ang kanilang Hawaiian-themed outfit, isa isang rumampa ang Boss Madam angels upang makamit ang Best Dressed award.
Hindi rin kumpleto ang party kung wala ang palaro ni Boss Keng. Para sa epic summer outing na ito, ang larong “Iputok mo, bago ka putukin” ang naisip na ipalaro ni Boss Keng sa lahat.
Watch the full vlog below:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.