Categories: Uncategorized

Steve Wijayawickrama Puts Kevin Hermosada’s Editing Skills on Spotlight

Isa na namang OG Team Payaman editor ang nakapanayam ni Steve Wijayawickrama para sa kanyang “How To Edit a Vlog” series.

Buong pusong ibinahagi ng editor-turned-vlogger na si Kevin Hermosada ang ilan sa kanyang mga tips and tricks sa pagiging official editor ni Yow Andrada.

Kevin’s History

Sa bagong vlog ni Steve, ibinida nito ang kaibigang si Kevin Hermosada na dating editor ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada.

“Nung ikaw yung pumunta sa TP pre, grabe ah, sobrang grabe yung hype ng editor, kasi kayo nag-start nung character duo (na) Waldo and Baldo. Editor and content creator tandem!” panimula ni Steve.

Ibinida ni Kevin ang kauna-unahang video na inedit nito para sa kanyang Bossing Yow noong una itong pumasok sa Payamansion 1.

Ayon kay Kevin, expectation vs. reality ang atake ng nasabing video upang ipakita ang nakakatawang pagtanggap sa kaniya ng Team Payaman.

“Even though it feels like it’s scripted, pero spontaneous yung mga nangyayari ‘di ba?” ani Steve.

Pagdating naman sa ilang editing tips, ibinahagi ni Kevin na hindi ito masyadong gumagamit ng mga flashy transitions dahil para sa kanya ay masakit ito sa mata. 

The Kevin Hermosada Magic

Sunod na hinimay nina Steve at Kevin ang nag-trending na proposal vlog ni Kevin sa asawa nitong si Abigail Campañano.

Malalim ang paghanga ni Steve sa kaibigan dahil one-man team ito mula sa pagiging director, editor, at pre-production ng nasabing proposal.

Naging parte rin ng kanyang proposal shoot ang ilang mga kaibigan na game na game na tumulong upang pagandahin ang dream proposal ni Kevin.

Upang hindi mabuking ng kanyang nobya sa kanyang balak, minabuti na lang na sabihin ni Kevin na bumubuo sila ng isang music video para sa singer na si Matthaios.

“Ang ganda n’ya!” komento ni Steve.

“Kung gusto mo lang naman yung isang bagay na gawin, gawin mo s’ya ng hindi dapat. Gawin mo s’ya ng gusto mo. Free your worry. Be who you are. At the end of the day, ang pinaka maituturo sa’yo talaga is yung experience,” payo ni Kevin. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.