Hong Kong Diaries: Team Junnie-Vien Immerse in All Out Family Trip in Hong Kong

All out ang Team Giyang sa pangunguna nina Team Payaman members Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa kanilang nagdaang bakasyon sa Hong Kong.

Nagbalik tanaw ang pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang hindi malilimutang first out-of-the-country trip kasama ang kanilang housemates sa Congpound.

Team JunnieVien goes to Hong Kong

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa mga kaganapan sa kanilang nagdaang Hong Kong escapade.

“Oh my God, first international flight ko ‘to!” masayang kwento ni Vien.

Mula airport hanggang makarating sa kanilang destinasyon ay sinama ni Vien ang kanyang mga manonood sa kanyang “Hong Kong Travel Diaries.”

Bukod sa asawang si Junnie Boy at mga anak na sina Mavi at Viela, kasama rin ng sa Hong Kong ang buong pwersa ng Team Giyang kabilang na kanilang mga videographers at editors, executive assistant, at maging ang kanilang family driver at mga kasambahay.

Pagbaba ng eroplano ay diretso na agad sa hotel accomodation ang Team Giyang upang magpahinga, maligo, at kumain ng kanilang first Hong Kong meal.

“Sabi nila, iba raw ang lasa ng mga fast food dito compare sa Pilipinas. Oo nga, iba nga s’ya,” hatol ni mommy Vien. 

Day 2

Kinabukasan nagtungo naman ang Team JunnieVien sa Lego Land Center upang ipasyal si Mavi.

Bukod sa kanilang panganay, isa rin si Mommy Vien sa mga nag-enjoy nang makita ang Lego figure ng kanyang paboritong K-Pop band na Bangtan Sonyeondan o BTS.

Matapos ipasyal si Mavi ay nagtungo ang mag-anak nina Junnie at Vien sa K11 Musea at Harbour City upang magsight-seeing, mag-shopping, at kumuha ng ilang mga litrato.

Day 3

Sa kanilang ika-tatlong araw sa Hong Kong, ipinagdiwang nina Junnie at Vien ang kanilang first wedding anniversary. Kaya naman dinayo ng mga ito ang Ngong Ping at sinubukan ang sikat na sikat na cable car ng Hong Kong.

“Natatakot ako!” ani Vien habang sakay ng cable car.

“Alam n’yo takot na takot ako pero gusto kong sabihin na ang ganda! Ayokong ipahalata!” biro naman ni Junnie.

Day 4

“Oh my God, our childhood dream! Tapos mapupunan na ang ating bucket list!” bungad ni Vien bago magtungo sa Hong Kong Disneyland.

Samu’t saring amusement activities at rides ang sinubukan ng pamilya upang sulitin ang kanilang dream Disneyland experience.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.