Did Kevin Hermosada Really Cry Over Lost Wedding Ring?

Matapos umiyak sa kanilang kasal sa simbahan, muli na naman nga bang napaiyak ni Abigail Campañano-Hermosada ang kanyang mister na si Kevin Hermosada?

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Abi kung paano nito naisipang iprank at turuan ng leksyon ang kanyang asawa. 

Wedding ring prank

Ayon kay Team Payaman vlogger at Ti Babi’s Kitchen owner Abigail Campañano-Hermosada, naisipan niyang i-prank si Kevin dahil sa madalas nitong paghubad ng kanyang wedding ring kung saan saksi rin aniya ang kaibigan at housemate nilang si Clouie Dims. 

“Napansin ko kasi, hindi lang isang beses, siguro mga tatlong beses na. Tuwing maghuhugas ng pinggan itong si Kevin, naiiwan niya yung singsing niya sa lababo,” kwento ni Clouie. 

Dahil dito, iminungkahi ni Clouie kay Abi na itago ang wedding ring ni Kevin sa susunod na makita nilang hubarin ulit niya ito. 

“Kevin humanda ka! Aabangan ka namin sa lababo!” biro pa ni Clouie Dims.

Makalipas ang ilang oras ay na-tyempuhan na ng dalawa na naghuhugas ng pinggan si Kevin. Inabangan nila itong matapos upang patunayan ang kanilang haka-haka. 

“Andito nga! Sabi na, nakalimutan mo! Tignan mo ‘tong lalakeng ‘to talaga, iniwan!” dismayadong reaksyon ni Mrs. Hermosada. 

Dali-daling kinuha ng dalawa ang singsing at itinago ito sa cabinet ni Abi upang simulan na ang prank sa asawa. 

“Humanda ka ngayon sakin! Motor ka kasi ng motor,” biro ni Abi.

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula nang hanapin ni Kevin ang kanyang wedding ring sa kusina. Dahil hindi matagpuan ang pinakamamahal na singsing, pati sa kwarto at laundry basket at hinanap na rin nya ito. 

Ayon kay Abi, lumabas pa ng bahay ang mister upang ipagtanong sa mga kapitbahay sa Congpound kung nakita ba ang nasabing singsing. 

Tinodo pa ni Abi ang “wedding ring prank” sa pamamagitan ng pagpapanggap nitong galit dahil sa pagkawala ng simbolo ng kanilang pagmamahalan.

“Saan mo ba kasi nilagay, bi? Nawawala talaga?” ani Abi. 

“Eh bakit kasi kinakalimutan mo doon? Bakit kasi iniwan mo don? Eh kasi pagtapos mong maghugas, ikakabit mo na ulit sa daliri mo!” dagdag pa nito. 

The reveal

Matapos ang ilang oras ay hindi na rin kinaya ni Abi at inamin kay Kevin na tinago niya ang wedding ring bilang parte ng prank. Napansin niya rin kasing umiiyak na si Kevin dahil sa pagkawala ng singsing.

“Hindi sa kung saan saan (ko) nilalagay. Kasi pag naghuhugas ako, ano nga, baka dumulas,” paliwanag ni Kevin. 

“Mabuti naman yung hangarin ko, naghuhugas (ng pinggan),” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

8 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.