Clouie Dims Hosts Furbaby Bruno’s ‘Bark Day’ at Congpound

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Clouie Dims ang kaarawan o “bark day” ng furbaby nitong si Bruno. Ito ang unang pagkakataon na ipagdiriwang ni Bruno ang kanyang kaarawan sa Congpound. 

Bruno’s Bark Day

Ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang bagong vlog ang kanyang mga naging paghahanda para sa kaarawan ng aso nitong si Bruno.

Sinimulan ni Clouie ang pagbibihis kay Bruno suot ang red outfit nito na saktong sakto sa tema ng kanyang mini bark day.

“So bibihisan ko s’ya saglit para maramdaman n’yang birthday n’ya. Papasuotin natin s’ya ng red,” ani Clouie. 

“Ang ganda naman ng damit mo, Bruno! Grabe yung aso damit Puma,” biro ng furdad nitong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang. 

Ibinunyag din ni Dudut na ang wish nito para sa kaarawan ng kanyang furbaby ay matutunan na nitong magsalita sa susunod na buwan. 

“Kasi ‘yun talaga gusto ko sa aso eh, yung nauutusan para sarili n’yang dog food, s’ya na bibili!” dagdag pa nito.

Naghanda rin ng ilang dog-friendly treats ang furmom na si Clouie gaya ng cake at ilang pastries para kay Bruno at iba pang Team Payaman fur babies. 

Ipinagdiwang ni Bruno ang kanyang kaarawan kasama ang ilang TP members sa Content Creator House gaya nina Kevin Hermosada, Yow Andrada, at Steve Wijayawickrama.

Sabay-sabay nitong kinantahan si Bruno ng Happy Birthday song bago tuluyang nagsalu-salo sa hinandang treats ni Clouie.

Party with TP

Ipinasyal din nina Dudut at Clouie ang alagang French Bulldog sa Congpound upang bisitahin ang iba pa nilang kaibigan. 

Nagbahagi rin ng ilang dog treats ang mga ito sa iba pang pets sa loob ng Congpound gaya nina Nyeti, Apple, Cheesecake, at diumanoy fur crush nitong si Osang.

Labis namang natuwa ang mga furparents ng Congpound dogs sa mini barkday bash ni Bruno.

“Happy birthday, [Bruno]! Love ka ni Mommy at ni Daddy!” pagbati nina Clouie at Dudut.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

9 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.