Viy Cortez Spoils Sister Yiv with TWICE Concert Ticket for her 19th Birthday

Isang taon na ang nakalipas matapos handugan ng isang bonggang debut party ni Viy Cortez ang bunsong kapatid nitong si Yiv Cortez.

Ngayong taon, isang malaking regalo muli ang hatid ni Ate Viy sa kanyang little sister na isang certified K-Pop fan. 

Yiv’s Birthday Celebration

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez ang simple ngunit masayang selebrasyon ng ika-19 na kaarawan ng kapatid nitong si Yiv Cortez.

Sama-samang nagdiwang ang Pamilya Cortez sa isang resort upang salubungin ang kaarawan ni Yiv.

Kasama rin sa quick getaway ang bibong-bibong unico hijo ng CongTViy couple na si Baby Kidlat, na game na game nakisaya sa pamilya.

Sinalubong ng Pamilya Cortez ang kaarawan ni Yiv sa pamamagitan ng paghandog dito ng kanyang birthday cake at pag-awit ng Happy Birthday Song.

“Happy birthday, Yiv! Oh, mag-wish ka na kunyari may kandila!” biro ni Viviys.

At siyempre, hindi nagpahuli si Ate Viy sa kanyang malaking surpresa para sa nakababatang kapatid.

“At dahil birthday mo, syempre may sorpresa ako sa’yo!” bungad nito.

Tila na-prank si Yiv nang buksan nito ang paperbag mula sa isang luxury brand dahil naglalaman  newly-formulated Team Payaman Lip Tints ng VIYLine Cosmetics.

“Alam mo kung bakit ‘yan regalo ko sa’yo? Kasi mayroon kang bagong version dito. Pwede naman kitang tanggalin sa TP Tints pero nilagay kita kasi you’re my sister!” biro ni Viy.

The Big Surprise

Hindi natatapos ang surpresa ni Cortez dahil agad din nitong ibinida ang kanyang tunay na birthday gift para kay Yiv.

“Pero syempre, mayroon talaga akong gift!” ani Viviys.

Pagkalabas ng papel, agad na napasigaw sa tuwa si Yiv dahil isa lang namang admission ticket para sa concert ng paborito nitong K-Pop group na TWICE ang hatid ng kanyang Ate Viys.

“Oh my God!” sigaw nito.

“Wala pa po talagang ticket kasi hindi pa s’ya available online or kahit saan. Pero, ito yung pambili n’ya,” paliwanag ni Viy.

Bagamat hindi pa man nahahawakan ang aktwal na ticket, labis ang tuwa na naramdaman ni Yiv sa regalo ng kanyang ate.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.