Team Payaman Celebrates TP Fair Success Thru Summer Getaway in La Union

Hindi maipagkakaila na isang malaking tagumpay ang nagdaang Team Payaman Fair na ginanap noong Marso sa SM Megamall Megatrade Hall. Dahil dito, isang La Union getaway ang naging selebrasyon ng grupo.

Day 1

Sa bagong YouTube vlog ng resident chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, buong detalye nitong ibinahagi ang mga kaganapan sa kanilang La Union escapade.

Unang ibinida ni Chef Enn ang makapigil hiningang tanawin ng karagatan mula sa kanilang tinuluyang resort.

“Ito yung after ng pagod na pagod ka sa lahat ng ginawa mo sa buhay, tapos makikita mo ganito kaganda, ‘di ba, ano pang hahanapin n’yo?” ani Chef Enn.

Matapos libutin ang resort, nagsimula nang mamalengke si Chef Enn para sa mga ihahaing putahe sa buong Team Payaman sa Elyu.

Ibinahagi rin ni Chef na umabot sa higit P22,000 ang kanyang mga napamiling rekados para sa kanyang mga lulutuin.

Naging katuwang ni Chef Enn sa pagluluto ang ilang miyembro ng Team Payaman at maging ang ama ni Cong TV na si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout. 

Naghanda ang mga ito ng dalawang kaldero ng Sinampalukang Manok at Patang Lechong Paksiw na ipapakain sa higit limampung kasama sa nasabing summer outing. 

Approve naman sa Team Payaman Wild Cats ang mga putahe ni Chef Enn na talaga namang nagpa-extra rice pa sa mga ito.

“Grabe, ang lakas talaga maka-outing. Ang sarap guys!” ani Vien Iligan-Velasquez.

“Thank you Chef for the gift of food! Ang sarap!” komento naman ni Cong TV.

Day 2

Kinabukasan, muling namalengke si Chef Enn para sa buong araw na kakainin ng Team Payaman. Para sa kanilang Elyu Day 2, naghanda ang mga ito ng Pinakbet, Dinakdakan, at Inihaw na Yellow Fin.

Para sa kanilang hapunan, tinulungan naman ni si Raven – isang kambing-cooking expert mula sa La Union, upang magluto ng Kalderetang Baka ala Ilokano.

Kinagabihan nagkaroon naman ng Boys’ Night Out ang ilang Team Payaman Wild Dogs kasama si Papa Shoutout upang magrelax at magbonding.

Day 3

Para sa kanilang ikatlong araw, muling namalengke sina Chef Enn at Kuya Lim upang bumili ng isasahog sa Adobo at Spaghetti.

Ayon kay Aaron Macacua, a.k.a Burong, nagbabalak na umakyat sa Baguio ang Team Payaman Moto Club na dalawang oras ang layo mula sa La Union.

Matapos ang hapunan, nagtampisaw din si Chef Enn sa swimming pool upang magrelax matapos ang mahabang araw.

Day 4

Para naman sa kanilang huling araw sa La Union, naghanda si Chef Enn ng Tinolang Manok, Ginataang Kalabasa, Pansit, Pangat, at Pritong Isda.

Muling tinulungan nina Rhomi Francisco at Ate Lyn si Chef Enn sa paghahanda ng mga rekado para sa kanyang mga lulutuin.

Matapos ang masarap na kainan, muling sumabak sa water adventure ang Team Payaman upang ipagdiwang ang tagumpay ng nagdaang Team Payaman Fair.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…

10 hours ago

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

1 day ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

1 day ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

This website uses cookies.