Yiv Cortez Conquers Public Speaking Fears After Hosting a Campus Program

Achievement unlocked. ‘Yan ang peg ngayon ni Team Payaman vlogger Yiv Cortez matapos harapin ang isa sa kanyang mga “fears” o kinatatakutan sa buhay. 

Ito ay matapos magawa ang kanyang kauna-unahang karanasan bilang host ng isang programa sa kanilang paaralan. 

First hosting stint

Hindi mawawala sa buhay kolehiyala ang mga school programs na naglalayong mas palawakin ang kaalaman ng bawat estudyante bago sila sumabak sa tunay na buhay. 

Bilang freshman psychology student, hindi na bago ang nakababatang kapatid ni Viy Cortez sa mga ganitong programa sa unibersidad. Ngunit sa unang pagkakataon, naimbitahan siya ng kanyang mga guro na magsilbing host sa isang seminar program. 

Sa ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG), inamin ni Yiv na isa ang public speaking sa mga kinatatakutan niya noon pa man. Pero sa tulong ng kanyang mga magulang, kapatid, kaibigan, at mga guro, naglakas loob aniya siyang subukan ang hindi nakasanayan. 

“At first po syempre nakakakaba but then because of the people na nasa paligid (ko), kinaya ko. My teachers they cheered me up, also my friends and of course ang family ko. They helped me to realize na kaya ko,” ani Yiv Cortez

Kwento pa ni Yiv, hindi ito ang unang beses na naimbitahan siya ng kanyang mga propesor na mag host ng isang school program. Bagamat tumanggi sa unang pagkakataon, naglakas loob daw syang labanan ang kanyang takot ngayon. 

“Nung ininvite ulit nila ako sabi ko kailangan ko na talagang labanan tong takot ko na ‘to,” paliwanag ng dalaga. 

“Kase to be honest, sobra akong takot sa public speaking, but then nilakasan ko na lang loob ko kase kung ‘di ngayon kelan (pa),” dagdag pa nito.

Malaking tulong din aniya ang tiwalang ibinigay ng kanilang mga propesor kaya maayos nyang nagampanan ang pagiging host. 

“Thank you so much po sa lahat ng tao pinaramdam na kaya ko. Kase ako wala talaga akong tiwala masyado sa sarili ko but still yung mga tao sa paligid ko they believed in me. And I’m so happyy and grateful to them kase dahil sa kanila kinaya ko.”

Birthday blowout

Samantala, ngayong araw ay ipinagdiriwang din ni Yiv ang kanyang ika-19 na kaarawan. Bilang selebrasyon, ay may regalong hatid si Yiv Cortez sa lahat ng kanyang taga-suporta.

Dahil ngayong araw, naka one-day birthday sale ang “Yiv” shade ng Team Payaman Water Based Tint ng VIYLine Cosmetics. Mula sa halagang P110, mabibili na lang ang shade na ito sa halagang P89! 

Ano pang hinihintay nyo? Sugod na sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine Cosmetics!

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.