Abi Campañano-Hermosada Shares Life as a New Wife to Kevin Hermosada

Higit isang buwan matapos opisyal na manumpa sa simbahan, hatid ngayon ni Abigail Campañano-Hermosada ang pasilip sa kanilang buhay mag-asawa ni Kevin Hermosada.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Ti Babi’s Kitchen owner at baker ang simpleng araw kasama si ang mister na si Kevin. 

Cooking for wifey

Pansamantalang nag “vlog takeover” si Kevin Hermosada sa vlog ni Abi upang ipakita kung paano niya ito pinaghandaan ng almusan at tanghalian. 

Ayon kay Kevin, naisipan nyang ipagluto si Abi dahil ilang araw na itong pagod sa pag-aasikaso ng kanyang negosyo.

“Kasi pagod na pagod sa work sa Ti Babi’s, 2 days siyang wala dito sa bahay para asikasuhin yung Ti Babi’s at mga orders,” paliwanag ni Kevin. 

Bago pa simulang lutuin ng meat loaf with egg ay lumabas na ng kwarto si Abi na tila hindi maganda ang gising dahil sa sobrang stress. Pero nilinaw ni Kevin na hindi naman siya ang dahilan ng pagka-stress ng misis.

“Babawi ako sa kanya para ma-feel naman niya na may nag-aalaga sa kanya,” dagdag nito.

Matapos makita ang inihandang almusal ni Kevin, agad din namang nagbago ang mood ni Abi at nagpasalamat sa kanyang mister.

“Ang sweet naman ng asawa ko! Hindi pa rin ako sanay, ba’t ganun? Gumising talaga ng maaga para dito,” ani Abi. 

Samantala, pagdating ng tanghalian ay muling ipinagluto ni Kevin si Abi ng Tinolang Manok sa Gata. Habang nagluluto ang mag-asawa ay bigla namang naisipan ni Abi na bumili ng bagong TV, pero agad din tumutol dito si Kevin dahil wala daw silang pera. 

“May pera tayo, ano ka ba? Advice ko lang sa inyo, kahit wala na kayong pera, ‘wag nyo sabihing wala kayong pera kasi baka ma-attract, law of attraction yan, ‘di ba yun yung sabi ni Kuya Cong,” paliwanag ni Abi.

“So kahit wala ka ng pera, sabihin mo marami kang pera, ganun yon! So bibili tayo ng TV mamaya!” dagdag pa nito. 

TV and PS5

Samantala, masayang ipinakita ni Abi sa kanyang manonood ang bagong biling TV pati na ang long overdue wedding gift nito kay Kevin na PS5. 

Labis labis naman ang tuwa ng kanyang mister na plano na palang bumili ng nasabing laruan, ngunit pinagiipunan pa ito.

“Sobrang saya ko talaga! Kasi balak ko talagang bumili ng PS5 pero mga December pa,” ani Kevin. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.