Burong Takes Viewers With Team Payaman Moto Club’s Night Ride

Panibagong araw, panibagong “ride vlog” na naman ang hatid ng Team Payaman boys na talaga namang nawiwili sa kani-kanilang motorsiklo.

Sa bagong vlog ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, dinala nito ang kanyang mga manonood sa isang normal night ride kasama ang Team Payaman Moto Club. 

Easy ride

Sa YouTube video na pinamagatang “Kalimot,” ipinasilip ni Burong ang isang chill ride kasama ang mga kaibigan. 

Inumpisahan ng grupo ang kanilang paglalakbay sa isang mataimtim na dasal upang humingi ng gabay sa kanilang biyahe. 

“Nawa Lord kayo po ang magmaneho at alisin nyo po ang yabang sa bawat isa sa amin,” ani Burong na syang namumuno sa pagdarasal. 

Hiniling din nito sa Panginoon na gabayan at panatilihing ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa bahay.

Samantala, dahil hindi kasama si Team Payaman Moto Club Chairman Cong TV sa nasabing biyahe, si Burong muna ang nagsilbing pinuno ng grupo.  

“Habang wala si Bossing, ako muna si Motoburs na gagabay sa inyo sa biyaheng ito,” dagdag pa ni Burong. 

Sa nasabing vlog, kitang-kita kung paano gabayan ni Burong ang kanyang mga kasamahan. Sa pamamagitan ng kanilang intercom, agad inaabisuhan ni Burong ang mga ito sa tuwing may nakaambang balakid sa kalsada gaya ng lubak, aso, o di kaya ay sasakyan. 

Layunin din ng nasabing paglalakbay ang dalawin si Team Payaman member Pau Sepagan, a.k.a Roger Raker.

Matapos ang kamustahan kasama si Roger, nag stopover ang grupo upang kumain kung saan hindi nawala ang asaran at biruan. 

“Paalam Card”

Kinabukasan, muling naglakbay ang grupo at sa pagkakataong ito ay kasama na nila si Cong TV. 

Madaling araw pa lang ay hinanda na ni Burong ang kanyang mga gamit na kakailanganin sa nasabing biyahe. 

Naglabas din ito ng saloobin ukol sa madalas nilang pagbiyahe na tila ikinapapamahak na ni Burong sa kanyang fiance na si Aki Angulo. 

“Par, ano bang meron, par? Ba’t ganitong oras tayo lagi naalis, par? Madaling araw. Ano bang gusto nyong mangyari, palayasin ako?” biro ni Burong. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.