Sa ikalawang pagkakataon, muling bumisita ang Team Payaman Wild Cat na si Clouie Dims sa Japan, a.k.a “The Land of the Rising Sun.”
Kakaibang JaFunVentures ang hatid ni Clouie matapos nitong libutin ang Osaka kasama ang matalik na kaibigan.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Clouie Dims ang ikalawang beses na pagbisita sa Japan makalipas ang higit apat na taon.
Binigyang linaw ng Team Payaman member na abala sa trabaho ang nobyong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, kung kaya’t hindi muna ito makakasama. Ngunit hindi “solo traveller”’ ang peg ni Clouie dahil kasama naman nito ang kanyang best friend na si Anzel.
Unang sinadya ng magkaibigan ang Osaka sakay ang bullet train. Pagdating sa kanilang tutuluyan, nagbahagi ng tipid traveler hacks si Clouie upang makabawas sa gastusin.
“Yung room namin sulit na ‘to for two kasi na-renta namin ito ng 4 nights ng 13,000 Yen [PHP5,300],” paliwanag ni Clouie.
“Sa mga natatakot d’yan mag-Japan kasi baka isipin n’yo hundred thousand yung accommodation, hindi. May for budget travelers din sila!” dagdag pa nito.
Matapos magbaba ng gamit at magpahinga, sumabak na sa pamamasyal ang magkaibigan at nagtungo sa sikat na Dotonbori na punong puno ng mga bilihan ng gamit at authentic Japanese Takoyaki.
Hindi rin pinalampas nina Clouie na tumikim ng authentic Japanese Ramen mula sa Kiryu Ramen. Samantala, habang kumakain ay nagbahagi rin ito ng isa pang Japanese culture trivia.
“Alam n’yo guys, share ko lang. Dito sa Japan, bawal yung may hawak kayong pagkain tapos kinakain n’yo s’ya habang naglalakad. Kailangan n’yo mag stop sa gilid.”
Kinabukasan ay nagtungo naman sina Clouie sa Todai Ji Temple sa Nara, kung saan matatagpuan ang Japan-famous deers.
“Ang dami talagang deer! As in sobrang dami. Nagkalat lang sila rito.”
Pagkatapos maglibot sa templo ay nakipagbonding na si Clouie sa mga usa ng Todai Ji Temple ng Japan.
Hindi pwedeng mawala ang food trip nina Clouie kaya’t sunod nitong pinuntahan ang Pounding Mochi o ang Japan-famous rice.
Sa kanilang ikatlong araw, kakaibang adventure naman ang hanap nina Clouie kaya binisita nila ang Universal Studios Japan.
Bagamat maulan, hindi pa rin nito napigilan ang magkaibigan na libutin ang Universal Studios at sumubok ng ibat-ibang mga atraksyon at palaro.
“Excited na akong makita si Super Mario!” ani Clouie.
Para sa kanilang ika-apat na araw, bumisita sina Clouie at Anzel sa ilan pang mga pasyalan sa Osaka. Una na munang kumain ang dalawa sa McDonald’s para sa kanilang agahan.
Pagkatapos kumain ay diretso na sila sa Umeda Sky Building na may taas na 173 metro, tamang tama para sa mga mahilig mag sightseeing.
“Tignan n’yo guys, ang taas oh! Forda takot!” kwento ni Clouie.
“Takot rin pala ‘tong si Anzel! Akala ko ako lang!” dagdag pa nito.
Matapos harapin ang kanilang fear of heights, nagtungo naman sina Clouie sa Osaka Castle upang maglibot at tignan ang mga cherry blossom.
Sa kanilang huling araw sa Japan, sinadya ng magkaibigang Clouie at Anzel ang Kyoto sakay muli ang bullet train.
Hindi pa rin nagpapigil ang dalawa sa kanilang food trip, matapos mainggit sa pagkain ng mga batang kanilang nakasalubong.
“Okay, nandito na naman yung mga inggitera! Nakakita kami nung hawak ni ate, syempre kami rin. Bibili rin kami!” biro ni Clouie.
Matapos ang kanilang food trip, pinasok ng dalawa ang sikat na Fushimi Inari Shrine upang kumuha ng mga litrato at mamasyal.
Watch the full vlog below:
Have you ever wondered who’s the big name behind the crowd-favorite wellness brands you see…
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
This website uses cookies.