Cong TV Surprises Bok With Brand New Motorcycle

Isa si Carlos Magnata, a.k.a Bok, sa mga miyembro ng Team Payaman na nag-iipon upang makabili ng sarili niyang motorsiklo matapos mahilig dito ang kanilang barkadahan. 

Ngunit dahil sa pagnanais ni Team Payaman Moto Club Chairman Cong TV na makasama ang mga kaibigan sa kanilang mga susunod pang mga byahe, naisipan nitong regaluhan ng bagong motor si Bok. 

Angkas no more

Simula ng nahilig sa pag momotorsiklo ang Team Payaman, isa si Bok sa mga sumasama sa grupo bilang angkas. 

Kaya naman isang surpresa ang hatid ni Cong TV kay Bok upang tuluyan na itong makasama sa mga susunod na “ride” ng Team Payaman Moto Club.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 31-anyos na vlogger kung paano nya sinurpresa ng bagong motorsiklo si Bok. 

“Siya lagi hindi nakakasama dito boy. Parang pusang inapi! Lahat nakakasama, s’ya lang hindi nakakasama! Bok, kawawa ka naman hindi ka nakakasama sa ride! I-aangkas kita!” bungad ni Cong.

Laking gulat ni Bok nang ayain ito ni Cong na i-angkas sa kanyang Honda Gold Wing, ito ay matapos sumabak ang grupo sa isang intense ride training bago magtungo sa La Union. 

“Aangkas ako? Aangkas ako par? Thank you par!” laking tuwa ni Bok. 

Halos wala namang paglagyan ang tuwa ni Bok sa kanyang naging “angkas experience” kasama si Cong TV. 

“Ano Bok, masarap umangkas?” pangangamusta ni Cong.

Sagot naman ni Bok: “Angkas, angkas, ang sarap par! Pero ano kayang experience pag nagmomotor na sa expressway?”

Matapos ang kanilang express way ride, nagtungo na ang Team Payaman Moto Club sa lugar kung saan ibibigay ni Cong ang kanyang surpresa kay Bok. 

Buong akala ni Bok ay magkakabit lang ng ilaw at busina si Boss Cong, pero maya maya pa ay ibinandera na ni Cong TV ang bagong motor ni Bok.

“Ito na mismo yung pinakabit natin dahil ito ay para kay… Bok!” buong galak na pagbubunyag ni Cong.

“Wow! Wow! Thank you Bossing!” emosyonal na pasasalamat ni Bok.

Netizens’ Reactions

Labis na naantig ang mga manonood at binansagang #FriendshipGoals ang ipinakita ng magkaibigang Cong TV at Bok.

Kieyo Nero: “Thank you for not leaving Bok aside, Cong! I hope he will be awarded as the most improved vlogger of TP. Iba yung klase ng humor ni Bok, at ‘di siya para sa lahat. But you can see through his words and actions na isa siyang loyal at maaasahan na kaibigan. Well deserved Bok! Kudos bossing!”

Vivian Chua- Asuncion: “Hat’s off para sayo Cong TV!! Iba ka! Napaka lupit mong tropa at napakabuti ng puso mo at never mong hinayaan na na mapunta sa utak mo ang fame at dahil sa good deeds mo nakakaproud maging isang Pilipino. God Bless you more and more and how I wish dumami pa ang katulad mo. PAWER!!!”

BigSiliPepper: “Deserve talaga ni Bok.. ‘Di man nakikita sa mga vlog ng team payaman, pero halatang siya yung number 1 na tumutulong sa mga kailangan tulungan sa bahay nila Cong!”

E: “A true friend yung kaibigan na hindi ka iiwan sa ilalim. Isasama ka sa lahat ng journey ng buhay niya. Cong is a friend we always dreamed of having, and he is also the kind of friend everyone should be.”

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.