Payaman Insider Boys Propose Mind-Blowing Med-Related Business Venture

Sa ikalawang yugto ng business-serye episode ng Payaman Insider Spotify podcast, ibinida ang mga kakaibang medical business venture na pangarap isabuhay ng mga host.

Sama-samang namangha sina Burong Macacua, Carding Magsino, Boss Keng Gaspar, at Junnie Boy sa mga kakaibang business proposal na kanilang napagusapan.

PWD Pants

Unang nagbahagi ng kanyang business proposal si Carding dala ng hilig nito sa siyensiya at medisina.

“Bilang ako’y lisensyadong physical therapist, malapit sa puso ko yung mga PWD. So ang nagiging problema, karamihan sa kanila hirap mag-lakad. Ngayon, may naisip ako. Bakit hindi ako gumawa ng isang produkto?” bungad nito.

Ayon kay Carding, isang pantalon na makakatulong sa mga persons with disabilities (PWD) na makapaglakad ang nais nyang i-negosyo.

“May mga robotics na ini-introduce na ngayon sa field of medicine. May mga pinapasuot sila sa mga pasyente para maramdaman ulit nila yung pakiramdam na naglalakad,” paliwanag nito.

Ayon pa kay Carding, pwede itong gamitin ng mga amputated o ang mga taong kinailangan putulin ang mga binti.

“Sana lang maging mura yung presyo n’ya para maging accessible s’ya sa maraming tao!” kumento ni Burong.

“Pis, saludo ako sa’yo! Ang ganda [ng naisip mo],” dagdag ni Boss Keng.

Bone Repair Machine

Samantala, kakaibang imbensyon naman ang naisip ni Boss Keng para sa mga mahilig sa sports. 

“Ang sumisira sa career ng isang tao ay ang injury. Ngayon, gusto ko magkaroon ng machine. Papasok ka ‘don tapos made-detect n’ya kung mayroon kang baling buto tapos kusa n’yang ibabalik nang hindi ka masasaktan!” paliwanag ni Boss Keng.

“Ang ganda ‘non. Pero parang ang mahal naman pakinggan n’yan?” tanong ni Burong.

Sagot naman ni Boss Keng, “Pis, Php 25.00 lang per session!”.

“Paglabas mo parang bago kang panganak, yung mga buto mo buo ulit. Na-relax ka na, na-enjoy ka na, gumaling ka pa!” dagdag ni Boss Keng.

Ener-Vape

Hindi naman nagpahuli si Junnie Boy sa kanyang kakaibang negosyo na may kinalaman sa gamot at pagve-vape.

Hilig din ni Junnie Boy ang mag-vape kaya hindi maiaalis dito ang kagustuhang makapag-imbento ng gamot gamit ang vape.

“Gagawa ako ng gamot. Pero ito, vape! Ang vape sisirain yung katawan mo, yung mga usok. Pero yung vape ko, baliktad yung effect. Kapag humipak ka, pagagalingin lahat ng nararamdaman mo sa internal!” paliwanag ni Junnie.

Paliwanag ni Junnie hindi lang ito simpleng vape dahil mas maganda ang epekto nito kumpara sa pangkaraniwang inhaler.

“Kasi pre, maraming tao ang gumagamit ng vape kapag nag-iisip sila, pang-tanggal stress para mas makapag-isip sila ng tama. So imbis na ‘yun lang ang gawin nila, pampaganda ng katawan sa loob. So kung may sakit silang nararamdaman, hihithitin nila!” 

Dagdag pa nito na bawat flavor ng juice ay magsisilbing gamot na may iba’t-ibang epekto depende sa karamdaman.

Ducati-bulance

Kakaibang innovation naman ang naisip ni Burong na makakatulong para sa mga na-aaksidente sa kalsada. 

Dahil maraming aksidente ang nauuwi sa dead-on-arrival sa ospital, naisip nitong palitan lahat ng ambulansya ng motorsiklong Ducati upang lalong mapabilis ang paghahatid sa pasyente.

“EDSA? Zzzz! [nasa] ospital ka na agad!” pagmamalaki ni Burong.

“Ang binebenta ko rito, oras para mabilis silang mapadala sa hospital!” dagdag pa nito.

Alin sa mga negosyong nabanggit ng Team Payaman ang nais n’yong maisakatuparan? 

Listen to the full episode below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Pops Up at SM City Cabanatuan with Local Entrepreneurs

In its mission to support and celebrate local businesses, the Viyline MSME Caravan, in partnership…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Shares a Heartfelt Take on Unexpected Friendships

Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman…

12 hours ago

Junnie Boy Gets Hooked on Pickleball with Team Payaman

Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…

2 days ago

The Third Wave of the Team Payaman Cap Is Coming to Life, Cong Clothing Confirms

It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…

3 days ago

Get First Dibs on Cong Clothing’s Limited Edition ‘Aura Revival Collection’

A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…

3 days ago

Sizzling-Hot IG Poses We’re Loving from TP’s Recent Visayas Trip

Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…

4 days ago

This website uses cookies.