Baby Kidlat Marks Various Milestones in Team Payaman’s La Union Trip 

Hindi nagpahuli si Viy Cortez sa kanyang summer vlog mula sa kanilang nagdaang bakasyon sa La Union kasama ang buong Team Payaman.

Ibinahagi ng first-time mom ang ilan sa mga hindi malilimutang “first time experience” ng unico hijo nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat. 

First Beach Trip

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng 26-anyos na vlogger ang ilan sa mga nakakatuwang kaganapan sa La Union kasama ang panganay nila ni Cong TV. 

Excited na dinokumento ni Mommy Viy ang kanilang bakasyon mula sa pag-alis sa Congpound hanggang sa makarating sa tinaguriang Surfing Capital of the North.

Laking pasasalamat naman ni Cong TV matapos itong payagan na bumyahe kasama ang TP Wild Dogs gamit ang kani-kanilang mga motor.

“So far, talagang magandang maganda [yung experience ko]. Maraming salamat sa pagpayag mo na ako’y mag motor at ako’y talagang nae-enjoy ko,” ani Cong.

Ilang oras pa ay narating na ng Team Payaman ang kanilang destinasyon. Walang pinalampas na pagkakataon si Viviys at nilibot agad ang dagat kasama si Baby Kidlat.

“Guys alam n’yo ba na first time magsi-swimming ni Kidlat sa pool at saka sa dagat ngayong 9 months s’ya? Wow!” kwento ni mommy Viy.

Ginamit na rin ni Mommy Viy at Kidlat ang regalong salbabida ni Tita Vien Iligan-Velasquez na kanila pang natanggap noong nakaraang taon. 

Matapos magpahinga mula sa mahabang byahe, present sina Mommy Viy at Daddy Cong sa kauna-unahang pool experience ni Baby Kidlat.

“Ang lakas lumangoy oh! Parang olympian athlete!” biro ni Daddy Cong.

Mula sa swimming tricks, kulitan, at tawanan, game na game nakipaglaro ang YouTube power couple sa kanilang supling.

Kinabukasan naman ay nakisalo rin sa pananghalian si Baby Kidlat kung saan unang beses itong pinakagat ni Mommy Viy ng Pakwan.

Sinubukan din ni Mommy Viy na itapak ang mga paa ni Kidlat damo sa unang pagkakataon.

“First time n’yang umapak sa grass,” ani Viviys.

“Ang saya ng may unang anak! Lahat ng first time makikita mo,” dagdag pa nito. 

At syempre, hindi rin pinalampas ni Mommy Viy ang pagkakataong masubukan ni Baby Kidlat na lumangoy sa dagat kasama ang alaga nilang si Cheesecake.

Netizens’ Reactions

Ikinatuwa ng mga manonood ang mga “first milestones” ni Baby Kidlat, kung kaya’t ipinabatid din ng mga ito ang kanilang pagbati.

Shiela Marie Mejico: “Nakakatuwa si Viy. Sobrang tine-treasure niya lahat ng first kay Kidlat, pogi ni Kidlat. Happy family! Grabe talaga yun saya namin kapag napapanood kayo  at yun na nga nakapagpromote pa si Viy ng walang reklamo si Cong TV! Salamat sa pagpapasaya samin!”

Queeny Gaspar: “Nakakatuwa kahit may anak na kayo ni Cong, di nyo parin nakakalimutan si cheesecake!”

Ravenalma Antonio: “nakakatuwa panooring c sir cong sa tym nila ni kidlat sya tlga ang best dad talaga!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
628
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *