The Real Deal Behind Viy Cortez’s Trending TP Fair Docuvlog Revealed!

Sa ikalawang pagkakataon, muling ibinigay ni Steve Wiyawickrama ang spotlight sa mga video editors sa likod ng Team Payaman vlogs. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinida ni Steve ang videographer at editor ni Viy Cortez na si Carlo Santos. Pinagusapan ng dalawa ang kwento sa top-trending docuvlog ni Viviys sa Team Payaman Fair. 

How the docuvlog was made?

Inumpisahan ni Carlo ang kwento sa pamamagitan ng paliwanag kung bakit napili nya ang kantang “I Wonder” ni Kanye West bilang musical scoring ng nasabing vlog.

“Para sa’kin, kumbaga isa ‘to sa mga milestone ni Viy, isa rin ‘to sa mga dream niya for sure. Kaya (sa lyrics) ‘find your dreams come true,’” paliwanag ni Carlo. 

Ibinahagi rin ni Carlo ang iba’t-ibang editing style na ginamit nya sa nasabing vlog, gaya ng pag gamit ng J-Cut at L-Cut sa pagpasok ng background music. 

Kwento pa ng editor ni Viy, sa ilang parte ng vlog ay gumamit siya ng speech ng iba’t-ibang “great leaders” dahil itinuturing niyang great leader si Viy Cortez.

“Isa sa mga favorite ko na nilagay ko na audio don na ‘if you have a dream, if you commit to it, it will come to pass.’”

“Kumbaga para sa’kin sobrang successful na nung nagawa ni Viy at ng Team Payaman, yung ganung powerful na message talagang sobrang worth na ilagay dyan kasi yun talaga yung na-feel ko nung na-achieve nila yung ganyan.”

Sinadya rin aniya niyang maglabas ng iba’t-ibang emosyon sa buong vlog upang hindi mawala ang interes ng mga manonood. 

Netizens reaction

Ikinatuwa naman ng Team Payaman fans ang ginawang pagbibida ni Steve Wijayawickrama sa mga editors sa likod ng nakaaaliw at makabuluhang vlogs ng grupo. 

Emarwayen: “napakaganda talaga ng content mo na ‘to, steve! hindi niyo lang kami binibigyan ng back story of how the vlogs were made and edited, but you are also sharing some technical knowledge with us (like the L-cut and J-cut). sobrang nakaka-amaze ang creativity niyong TP editors like kung paano niyo binibigyan ng halaga even the tiny details of the vlog. sobrang galing niyooo!”

Diane Beltran: “hands up talaga sa lahat ng editors! may kanya-kanya kayong creativity and lahat kami naaappreciate yung effort na binubuhos nyo pre and post-editing. salamat senyo! #TeamEditorsLangMalakas

Aisa: “I’m beginning to like these editor breakdown series my friend. I love how you put a spotlight sa mga tao behind sa mga trending vlogs ng team payaman members. Very good job! Pero, Bods please next” 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

13 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.