Cong TV Trends After Epic ‘Warsak’ Reincarnation

Top trending na naman sa YouTube ang panibagong vlog ni Cong TV kung saan ipinakita ang malikhaing kwento nito sa muling pagkahilig nya sa pagmomotorsiklo. 

Sa video na pinamagatang “Revorn,” ibinahagi ng 31-anyos na vlogger ang kakaibang “glow up” ng motor nitong si “Warsak” na nakasama niya sa pagsisimula ng kanyang karera. 

TP Riding Epidemic

Ayon kay Cong TV, ang pagkahilig sa motorsiklo ang dahilan kung bakit halos ilang linggo na itong hindi nakapag upload ng bagong vlog sa YouTube. 

Sinagot din ni Cong  ang tanong kung paano nga ba nagsimula ang biglaang pagkahilig ng Team Payaman boys sa pagmomotorsiklo.

Ipinakita rin nito ang unti-unting pagpundar ng motorsiklo ng kanyang mga kasamahan sa pangunguna nina Boss Keng at Junnie Boy. 

Kaya naman tila nag umpisa na rin ang “motovlogging” series ng Team Payaman at  sinasama nila ang mga manonood sa kanilang mga biyahe. 

Una na riyan ay ang maikling night ride kasama sina Cong TV, Boss Keng, Junnie Boy, at Adam Navea, kung saan tila nag test ride ang mga ito ng kanilang mga bagong motor. 

Warsak Revorn

Samantala, ilang araw matapos subukan ang biniling Suzuki Burgman ni Viy Cortez para sa kanya, naging tampulan ng tukso sa Congpound ang motor ni Cong. Ito ay dahil tila mas malakas at high tech ang mga motorsiklo nina Boss Keng at Junnie Boy kesa dito. 

Dahil dito, muling nilambing ni Cong ang kanyang soon-to-be wife upang payagan syang bumili ng mas magandang motor. 

Pero bago tuluyang ipakilala sa kwento ang kanyang bagong Honda Gold Wing, isang malikhaing pagsasadula ang hatid nito sa kanyang manonood. 

Nagbalik tanaw si Cong TV sa kanyang lumang motor na si Warsak na nakasama nya sa pagsisimula ng kanyang karera bilang vlogger. 

Base sa kwento ng legendary YouTube vlogger, ang kanyang bagong Honda Gold Wing ay itinuturing niyang bago at mas malupit na bersyon ni Warsak. 

“Ang ganda mo! Ipagyayabang kita sa mga tropa ko!” ani Cong TV. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.