Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Celebrate Wedding Anniversary in the Most Unique Way

Bilang selebrasyon sa unang anibersaryo ng kanilang kasal, naisipan ni Vien Iligan-Velasquez ang isang kakaibang challenge para sa asawang si Junnie Boy. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang nakakatuwang “pick one paper challenge” kung saan nakasalalay kung paano nila ipagdiriwang ang kanilang espesyal na araw. 

Pick one paper challenge

“Ito yung mga nakikita mo sa TikTok, yung mga dadampot!” paliwanag ni Vien kay Junnie para sa naisipang challenge. 

“Kasi ang tagal na nating hindi nagde-date, tapos syempre lagi na lang tayo sa bahay,” dagdag pa nito.

Unang pinapili ni Mommy Vien ng kanilang magiging OOTD si Junnie Boy at napili nito ang papel kung saan nakasulat ang salitang “formal.” Ibig sabihin, formal ang kanilang magiging bihis para sa nasabing date. 

Todo porma si Junnie Boy suot ang kanyang itim na pantalon at puting longsleeves. Muling pinabunot ni Vien ang kanyang mister ng pagpipilian kung saan sila kakain at nabunot nito ang “karinderia.”

Pinapili rin nya ito kung sino ang magmamaneho ng sasakyan patungo sa kanilang destinasyon, at ikinatuwa naman ni Vien ang napili nito. 

“I’ll drive you! Ako magda-drive sayo, gamit yung motor!” biro ni Vien. 

“So ako ang magda-drive plus karinderia tayo!” dagdag pa nito. 

Relationship review

Habang papunta sa karinderia, nag heart-to-heart talk muna ang mag-asawa sa estado ng kanilang relasyon isang taon matapos ikasal sa simbahan. 

Buong tapang na tinanong ni Vien si Junnie kung kumusta ba siya bilang misis at ilaw ng tahanan. 

“Wala akong pinagsisisihan, habang buhay wala akong pinagsisisihan kahit nag-aaway tayo,” ani Junnie Boy. 

“Ganun talaga! Pag hindi tayo nag-aaway, hindi tayo lalakas as couple. Arguments are meant for partners to grow,” dagdag pa nito. 

Samantala, buong tapang naman na inamin ni Junnie na minsan ay naiinis ito kay Vien sa tuwing pinagbabawalan ito sa mga gusto nyang gawin. Pero nagpapasalamat naman aniya siya dahil ang pagbabawal ni Vien ang nagbabalanse sa kanyang mga desisyon sa buhay. 

Labis labis naman ang papuri nito sa pagiging ina ni Vien sa kanilang mga anak na sina Mavi at Viela. 

“Sobrang galing! Sobrang galing mong nanay, promise! Para kang mama ko!”

Surprise gift

Matapos ang kanilang tipid karinderia date, isang surpresa pa pala ang nag-aabang kay Junnie Boy. 

“Bakit ang daming maleta?” tanong nito pag uwi ng bahay kung saan nakagayak ang mga maleta ng buong Giyang Family household. 

Dito na ibinuking ni Mommy Vien ang surpresa ng bakasyon nila sa Hongkong. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.