Team Payaman’s Mentos Recalls Overwhelming TP Fair Experience

Bagamat higit isang buwan na ang nakakalipas, hindi pa rin pinalampas ni Michael Magnata, a.k.a Mentos, na ibahagi ang kanyang kakaibang karanasan sa nagdaang Team Payaman Fair. 

Isa ang produkto ni Mentos na “Haring Bangus” sa mga negosyong itinampok sa Team Payaman Fair na ginanap noong March 8-12 sa SM Megamall Megatrade Hall. 

Hindi lang ang Belly Garlic, Belly Spicy, at Bangus Shanghai ang pinilahan ng mga tao sa Haring Bangus, kundi pati na ang tyansang makasalamuha si Mentos. 

TP Fair to motivation

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mentos kung paano ito naging punong abala sa paghahanda para sa TP Fair. 

Pero bukod sa pagbebenta ng Haring Bangus, sinuportahan din ni Mentos ang kanyang kapwa Team Payaman members sa pamamagitan ng pagbisita sa booth ng mga ito. 

Sa sobrang dami ng tao na nakiisa sa nasabing summer bazaar, umabot na sa punto na kinailangan ni Mentos magpahinga sa ilalim ng mesa ng kanyang booth dahil sa sobrang pagod. 

Ngunit sa kabila nito, ibinahagi ni Mentos na sobrang saya ng kanyang naging Team Payaman Fair experience. 

“Doon ko lang napatunayan yung mga taong nagmamahal at sumusuporta sayo,” kwento ni Mentos. 

“Imagine-nin mo, pipila ka, magti-tyaga ka sa pila para makapagpa-picture,” dagdag pa nito. 

Kwento pa ng driver-turned-vlogger at ngayon ay isa ng ganap na negosyante, hindi niya akalain na ganun kadami ang taong sumusuporta sa kanilang grupo. 

Dagdag pa nito, hindi rin niya lubos akalain na malaki na pala ang impact niya sa mga tao. Masaya aniya siya sa tuwing may nagsasabi na itinuturing siyang inspirasyon dahil isa raw syang klase ng tao na may pangarap sa buhay. 

“Na-motivate ako ng sobra kasi may na-touch pala akong tao, kaya sabi ko kahit ‘wag na kayong bumili, pila lang, kita-kita lang.”

Kaya naman labis labis din ang naging pasasalamat ni Mentos sa lahat ng taong sumuporta at nakisalamuha sa kanila sa Team Payaman Fair

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.