Kevin Hermosada Urges Wife Abigail Campañano to Update Surname on Facebook

Ilang linggo matapos maging opisyal na maging Mr. and Mrs. Hermosada ay hindi pa rin nagpapalit ng apelyido sa kanyang mga social media accounts si Abigail Campañano.

Pabirong nagtampo si Kevin Hermosada sa kanyang maybahay dahilan upang gumawa ito ng paraan upang kumbinsihin si Abby na gamitin ang kanyang married name sa Facebook. 

Team Payaman Jersey

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang estedo ng kanilang relasyon ni Abby ilang linggo matapos ang  kanilang pag-iisang dibdib. 

Ayon kay Kevin, nagtatampo ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapalitan ni Abby ang kanyang apelyido sa kanyang mga social media accounts.

Ngunit hindi naman nito magawang mag reklamo dahil hangad nyang maka-recover muna ang misis  na sumailalim sa isang dental procedure. 

Bago pa man tuluyang kumbinsihin ang kanyang misis na gamitin ang apelyidong Hermosada, humingi muna si Kevin ng payo mula sa kanyang mga kaibigan sa Congpound.

“Anong gagawin mo Kevs kapag sa’yo nanggaling ‘yon? Kunyare nagpakasal kayo ni Bods,” bungad ni Kevin Hermosada sa katukayo nitong si Kevin Hufana, a.k.a Keboy.

“Ba’t naman ganon sis? Dapat kapag after ng kasal, palit na agad!” ani Keboy.

“Alam mo, bigyan mo s’ya ng lugaw tapos lagay mo, from Mr. Hermosada!” dagdag pa nito.

Nanghingi muli ng payo si Kevin sa kaibigan nitong si Yow Andrada, a.k.a Waldo, na nagsabing subukan nitong laruin 90s compatibility test na F.L.A.M.E.S.

Walang pagdadalawang isip na tinulungan ni Aki Angulo ang dalawa sa pagkakalkula ng kanilang F.L.A.M.E.S.

Nanatiling “Hermosadness” ang emosyon ni Kevin matapos lumabas ang “E” na ibig sabihin ay “Enemies” sa kanilang F.L.A.M.E.S calculation.

Agad namang napansin ni Abby ang ipinapahiwatig ng asawa kaya agad nitong ibinato ang kanyang mahiwagang tanong.

“Gusto mo palitan ko na? Saan mo ba gustong palitan? Facebook?” tanong ni Abby.

“Kaya naman pala nagtatampururut!” dagdag pa nito. 

Samantala, muling nakaisip ng bagong ideya si Kevin upang makamit ang matatamis na ‘Oo’ ni Abi sa pagpapalit ng apelyido.

“Pagawa ka ng jersey, dali!” panghihikayat ni Yow.

Agad na nagdisenyo si Kevin ng jersey uniform na gagamitin aniya ng Team Payaman boys sa pagsali nila sa isang basketball league.

Abi’s Reaction

Matapos ang puspusang paghahanda, muling humarap si Kevin kay Abby at isa-isang ibinahagi ang mga jersey suot ng ilang Team Payaman boys.

“Ano yan?!” inisyal na reaksyon ni Abi.

Natawa na lang ang maybahay ni Kevin matapos nitong makita ang pasabog ng asawa suot ang kanilang custom-made na jersey.

“Oh ano na, pwede ka na magpalit [ng apelyido]?” tanong ni Kevin.

“Pag-iisipan ko,” sagot naman ni Abby.

“Ginawan ka na ng jersey, Abby!” biro ni Cong TV.

Laking tuwa naman ng Team Payaman Wild Dogs nang tuluyan nang mapa-oo ni Kevin ang asawa na palitan na ang kanyang Facebook surname.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1057
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *