Flow G and Angelica Yap Reminisce Recent Team Payaman Fair Experience

Bagamat ilang linggo na ang nakakalipas ay tila matindi pa rin ang Team Payaman Fair hangover ng social media power couple na sina Flow G at Angelica Jane Yap. 

Sa bagong vlog ni Angelica, a.k.a Pastillas Girl, ibinahagi nito ang naging masayang karanasan sa TP Fair na ginanap noong March 8-12 sa SM Megamall Megatrade Hall.

Hindi matatawaran ang sayang naranasan ng Team Ebs matapos nitong makasalamuha ang kanilang kapwa influencers at mga taga suporta.

The Preparations

Mula sa kanilang mga produkto, isa rin sa mga pinaghandaan nina Angelica at Archie ay ang kanilang mga booth para sa Team Payaman Fair. 

Present sa nasabing summer fair ang kanilang mga negosyong 90’s Apparel, Tea Mebs, at ilan sa mga slimming products ni Angelica Yap.

Bukod sa pag promote ay nakiisa rin ang mga ito sa pagbubuo ng kanilang booth at pag-aayos ng mga produkto.

TP Fair Experience

Matapos ang ingress, bumalik ang Team Ebs sa TP Fair para personal na makasalamuha ang kanilang mga supporters.

Bukod dito ay binisita rin nina Flow G at Angelica  ang ilang miyembro ng  Team Payaman gaya ni Viy Cortez na syang punong abala sa nasabing bazaar.

Kinamusta rin ng dalawa si Team Payaman headmaster Cong TV.

“Ilang araw na tayong magkakasama [sa TP Fair], ngayon lang tayo nagkita!” ani Cong TV.

“Pat, namimiss na kita! Buntis [kasi] eh! Sana all, char!” biro ni Angel.

“Hmm, nagpaparinig, Chie!” biro naman ni Boss Keng.

Sagot naman ni Archie: “Mamaya ‘yan sa akin!” 

Kinabukasan ay present din sina Angel at Flow G at game na game na nakipagkulitan sa TP Fair host na si Babbles.

Bago pa man tuluyang tapusin ang kanilang program sa TP Fair, ipinahatid na ng Team Ebs ang labis labis na pasasalamat sa kanilang mga taga suporta.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa aming booth! Abangan n’yo pa po kami sa iba pang Team Payaman Fair! We’re so grateful na pinuntahan n’yo kami dito sa aming booth!” pasasalamat ni Angel.

“Salamat din sa Team Payaman Fair kasi sinama n’yo kami dito, sobrang na-enjoy namin yung ganitong ganap kasi nagamit din namin yung aming kasipagan!” dagdag naman ni Flow G.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

16 hours ago

Dress Selections That Shouldn’t Leave Your Closet According to Viy Cortez-Velasquez

Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…

17 hours ago

Boss Keng Explores Ocean Park in Hong Kong with Team Payaman

Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang…

17 hours ago

Viyline Kicks Off Weekly ‘Friday PAAWER Deals’ TikTok Live Featuring the Cortez Sisters

Viyline is set to kick off a new weekly digital shopping series—“Friday PAAWER Deals,” a…

1 day ago

Netizens Applaud Aaron Oribe’s Story of Determination and Inspiration

Isang kwento ng pagsusumikap ang handog ni Aaron Oribe sa mga manonood. Taglayin ang inspirasyong…

1 day ago

Cong TV Surprises Junnie Boy With A Magical Gift In Viy Cortez-Velasquez’s ‘GIPGIBING’ Vlog

Sa pinakabagong episode ng GIPGIBING serye ni Viy Cortez-Velasquez, bumida ang asawa niyang siCong TV…

2 days ago

This website uses cookies.