Hindi kumpleto ang isang samahan o tropahan kung hindi ito mahahaluan ng asaran at kalokohan!
Sa unang bahagi ng panibagong vlog ni Boss Keng, ipinakita ang isang tipikal na usapan ng Team Payaman Wild Dogs patungkol sa bago nilang kinahuhumalingan, ang pag momotorsiklo.
Tila naging tampulan ng tukso ng grupo ang lumang motor ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng matapos itong itabi at ikumpara sa mga bagong big bike na pagmamay-ari ng magkapatid na Cong TV at Junnie Boy.
“Ilagay nyo nga yung MIO diyan! Okay na diyan, huwag mo na masyadong ilapit!” pang-aasar ni Cong TV.
Ginatungan pa ito ng pang-aasar ng ibang Wild Dogs na naging dahilan ng mas malakas na kantyawan sa loob ng Congpound.
“Pre, nakaka pikon na kayo, hindi na kayo nakakatuwa,” pabirong sagot ni Boss Keng sa mga mapang-asar niyang mga kaibigan.
Dahil sa tuksuhan, hindi na nagdalawang isip pa si Boss Keng na magpaalam at hingin ang pahintulot ng kanyang butihing may bahay na si Pat Velasquez-Gaspar.
Nakiusap ito sa kanyang asawa na payagan siya na makabili ng bagong motor. Agad namang naglabas ng saloobin si Pat ukol dito.
“Naiinis ako! Ako hindi talaga ako maluho. Wala akong binibiling bagay na expensive. Alam mo kung bakit, pinag-iisipan ko ng sampung beses,” ani Pat kay Boss Keng.
“Ngayon yung bibilhin mong motor, pag-isipan mo ng twenty times,” dagdag pa nito.
Sinunod naman ni Boss Keng ang payo ng kanyang asawa at walang ano-ano pa ay bumalik ito upang ipaalam ang kanyang naging desisyon.
“Love napag-isipan ko na! Twenty one times!” pagmamalaking balita ni Boss Keng.
Ipinangako nito na sariling pera niya ang kanyang gagamitin at tanging permiso lamang ni Pat ang kanyang hinihintay upang mabili ang kanyang luho.
“Pag nag-yes ka ngayon, bibili ako bukas ng motor.”
‘Di kalaunan ay pumayag din si Pat ngunit may iniwan pa rin itong payo para kay Boss Keng.
“Lagi kang mag-iingat, at saka iwasan mong magpaalam ng late.”
Kinabukasan ay agad nagtungo si Boss Keng sa casa kung saan niya napagdesisyunang bumili motorsiklong may modelong KYMCO AK550.
“Katapusan niyo na. Lahat nang naalipusta sa akin, katapusan niyo na,” biro nito.
Naging mainit naman ang pagtanggap ng KYMCO Philippines sa kauna-unahang may-ari ng AK550.
“We will have the honor na siya ang magiging first owner ng AK550. Kasama natin [from] Team Payaman, Boss Keng!”
Ibinahagi rin ni Boss Keng na tila hindi siya nakatulog nang mapag-alaman niyang mapapasakanya na ang inaasam asam na motor.
Matapang na humarap si Boss Keng kay Cong TV matapos nitong maiuwi ang kanyang bagong motor sa Congpound.
“Anong masasabi mo ngayon idol?” pabirong tanong nito kay Cong TV.
“Pag nagmotor ka ngayon bossing, di na magagandang view ang makikita mo. Puro break light na lang nila,” gatong naman ni Dudut.
Tila bumaligtad ang sitwasyon para kay Cong TV matapos ibalik ni Boss Keng sa kanya ang mga pang-aasar na kanyang binitawan.
“Lumakas lang yung motor, lumakas na rin mang-asar,” banat ni Cong TV.
Watch the full vlog below:
Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…
Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…
Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…
Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…
Kilala ang small-but-terrible pet na si Tawki bilang parte ng Pamilya Velasquez na kasama nila…
Isang panibagong adisyon sa lumalaking pamilya ng content creator na sina Toni Fowler at Tito…
This website uses cookies.