Emosyonal na binuksan ni Kevin Hermosada ang panibagong yugto sa kanyang buhay bilang mister ni Abigail Campañano.
Tila bumaha ng “tears of joy” sa kasalang Kevin at Abby na ginanap noong March 16, 2023 sa San Pedro Calungsod Parish Church sa Antipolo City.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Kevin Hermosada ang naging paghahanda nito bago ilang oras bago tuluyang mag “I do.”
Umaga pa lang ay abala na ang dalawa sa pagsulat ng kani-kanilang wedding vows para sa isa’t-isa.
“Ano bang mga pwedeng isulat sa vows?” ani Kevin.
“Ano bang pwede kong isulat dito na hindi pa nasasabi ng lahat ng tao noh, para ma-feel naman ni Abby?” dagdag pa nito.
Bago ang kasalan ay nakipagbonding din muna si Kevin sa kanyang mga groomsmen na kinabibilangan ng Team Payaman boys at iba pa nitong malalapit na kaibigan.
“Hindi ako kinakabahan, pero nag aalala ako sa mga bagay-bagay,” sagot ni Kevin nang tanungin ni Direk Titus Cee kung nakakaramdam ba sya ng nerbyos bago ikasal.
Pero pagdating sa simbahan, inamin ni Kevin na tila lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Hindi na rin napigilan maging emosyonal ni Kevin nang makitang papasok ng simbahan ang kanyang misis.
Samantala, ibinahagi rin ni Kevin Hermosada ang makapagbagbag damdaming wedding vows ni Abigail Campañano para sa kanya.
Ayon kay Abby, parati niyang ipinagpapasalamat sa Panginoon na binigyan sya ng kasintahan na katulad ni Kevin.
“Thank you, Lord for giving me a man like Kevin. Sobrang maalaga, sobrang ma-effort, sobrang gwapo, sobra ring matulog, pero sobra sobrang mahal ako,” ani Mrs. Hermosada.
“Ginawan ako ng kanta, itinuring akong prinsesa, yung simpleng hiling ko Lord ay sobra sobra pa ang binigay mo,” dagdag pa nito.
Labis labis din ang pasasalamat ni Abby sa kanyang mister sa lahat ng ginawa nito para sa kanya at sa kanilang relasyon.
“Hindi ako magsasawang magpasalamat sa lahat lahat ng ginawa mo para sa akin, lalo sa mga panahong akala ko hindi ko na kaya, sa mga panahong gusto ko ng sukuan ang lahat sa sobrang dami ng problema. Salamat dahil nandyan ka para umalalay sakin, salamat dahil hindi mo ko iniwan.”
Watch the full vlog below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.