Yow Andrada Grants ‘Congpound Room Raid’ Request of Netizens

Pinagbigyan ni Yow Andrada ang hiling ng netizens na magsagawa nito ng “room raid vlog” sa Congpound, partikular na sa tinaguriang “Content Creator House.” 

Sa kanyang bagong vlog, inilibot ni Yow ang kanyang mga manonood sa loob ng kwarto ng ilang kasamahann gaya nina Burong, Dudut, Kevin Hermosada, Carding ,Steve Wijayawickrama, at Carding. 

Ano naman kaya ang mga natuklasan ni Yow sa kanyang mga housemate?

Room raid

Unang sinilip ni Yow ang kwarto ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, kung saan kasama niya ang fiance na si Aki Angulo. 

Inabutan ni Yow si Burong na pinapa-fresh pa ang kanilang kwarto gamit ang All-in-One Spray mula sa Pure Drop Scents – ang negosyo nila ni Aki.

Ipinasilip din ni Burong ang vanity area kung saan nag aayos si Aki, pati na rin ang kanilang very organized na cabinet. 

Sunod na pinuntahan ni Yow ang kwarto ng newlyweds na sina Kevin Hermosada at Abigail Campañano, kung saan makikita ang munting toy collection ni Kevin. 

Sinugod din ni Yow ang attic room na pinagsasaluhan nina Carding Magsino at Steve Wijayawickrama.

“Pre sana naman sinabi mo, nilinis ko naman sana yung kwarto namin,” ani Steve.

Bagamat nabigla si Steve sa pa-room raid ni Yow, wala na rin itong nagawa kundi ipakita ang bunkbed kung saan sila natutulog ni Carding, Ipinakita rin ni Steve ang shoe collection ni Carding. 

Samantala, puro katatawanan naman ang naging room raid ni Yow sa kwarto ni Dudut kung saan kasama nito ang nobyang si Clouie Dims

Bukod sa iba’t-ibang gamit at pabiro pa nitong sinukat ang high heels ni Clouie. 

“Ang tinatawag ko dito mga pang diinan. Kasi usually pag formal event kailangan matipuno, matangkad sa mga business events.”

Yow’s room

Samantala, sa huling parte ng room raid at si Dudut naman ang nagsilbing host upang ipakita ang kwarto ni Yow. 

Bukod sa napakaayos nyang silid, napansin din ni Dudut ang koleksyon ng gitara ni Yow dahil isa itong musikero at lead vocalist ng bandang Ynoh. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

14 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

17 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

18 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

18 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

3 days ago

This website uses cookies.