Luigi Pacheco Launches ‘Vin Scents’ at Team Payaman Fair

Bukod sa Team Payaman, ilang YouTube personality din ang nakisaya sa nagdaang Team Payaman Fair, kabilang na dyan ang vlogger na si Luigi Pacheco.

Bukod sa kanyang masayang TP Fair experience, ibinahagi ni Luigi ang kanyang bagong negosyo na ekslusibo nitong inilunsad sa nasabing bazaar. 

Vin Scents

Nakilala si Luigi Pacheco  at iba pang kaibigan nito gaya nina Kyo Quijano dahil sa kanilang mga entertainment, lifestyle, at travel vlogs.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 25-anyos YouTube vlogger ang kanyang naging paghahanda para sa bagong negosyo.

“Nag start ako ng business, I am entering my entrepreneur era! Feeling ko kasi nag-evolve ako into ultimate form ng pagka-tito,” bungad ni Luigi.

Dahil road to “Adulting 101” na aniya si Luigi, naisipan nitong sumabak sa pagnenegosyo at magbenta ng humidifier scents. 

Kwento ni Luigi, isa ang humidifier sa kanyang mga isinasaalang alang upang maging kumportable sa kanyang tinitirahan.

“Ako yung tipo ng tao na gusto ko mabango yung place ko, lalong lalo na yung bedroom! Diyos ko!” dagdag pa nito.

Kaya naman naisipan nitong magbenta ng iba’t-ibang humidifier scents na binasagan niyang “Vin Scents.”

Ang Vin Scents ay may tatlong scents gaya ng Home Alone, Bagong Ligo at Just Like Tea Tea na perfect for any mood and occasion.

Ang Home Alone ay ang kanilang best-selling scent na ayon kay Luigi ay kaamoy ng Wood Sage scent ng high-end perfume brand na Jo Malone. 

Green tea naman aniya ang amoy ng Just Like Tea Tea, habang fresh scent naman ang peg ng kanyang paboritong Bagong Ligo scent. 

“Nung nag-iisip ako nung name para sa business na ‘to, gusto ko yung very Pinoy, very Filipino para alam mo yun… #PinoyPride!” 

Sa halagang Php 280 mabibili na ang 1L humidifier scent ng Vin Scents sa kanilang official Shopee and Instagram accounts.

TP Fair Experience

Ayon kay Luigi Pacheco, sobrang excited itong ilunsad ang kanyang pinaghirapang negosyo sa Team Payaman Fair.

“Una kong dinebut yung mga scents ko sa Team Payaman Fair. Doon ko unang ni-release kasi I thought that was the perfect opportunity.”

“Doon sa Team Payaman Fair, nagbenta kami nina Kyo at Ara, and happy naman ako na may nabenta ako. Si Bagong Ligo [scent] yung favorite ko kaya laking gulat ko nung ito [Home Alone] yung naging best seller noong Team Payaman Fair!” 

Laking pasasalamat ni Luigi sa kanyang mga tagasuporta na bumili sa kanyang munting negosyo.

Bukod sa Vin Scents, ibinahagi rin ni Luigi ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa nagdaang TP Fair.

“Noong Team Payaman Fair, andaming viewers and supporters namin na bumili ng products namin. Super happy ako na may bumibili ng mga scents ko.” 

“Andami naming na-meet nung TP Fair. Isa talaga ‘yon sa mga na-miss ko nung pandemic, is yung ma-meet kayo guys!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.