Abby Campañano Grateful for TiBabi’s Kitchen Sold Out Team Payaman Fair Experience

Nag uumapaw ang pasasalamat ni Abigail Campañano sa mga sumoporta sa kanyang negosyong TiBabi’s Kitchen sa nagdaang Team Payaman Fair. 

Isa ang pastry business ng newly weds na sina Abby at Kevin Hermosada sa mga produktong itinampok sa TP Fair sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Isa rin ang TiBabi’s Kitchen sa mga parating sold out na produkto sa nasabing summer fair kasama ang kapwa Team Payaman members at iba pang influencers. 

TiBabi’s at TP Fair

Unang araw pa lang ng Team Payaman Fair ay todo kayod na ang mag-asawang Abby at Kevin para magbenta ng kanilang mga produkto. Kabilang na rito ang Ensaymada, Cheese Bread at Chocolate Crinkles na si Abby mismo ang nag-bake.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Abby kung paano dinumog ng kanilang mga taga suporta ang TiBabi’s Kitchen booth mula Day 1 hanggang Day 5 ng TP Fair. 

“Ensaymada! Unang kagat, tinapay agad!” panghihikayat ni Kevin sa mga customer. 

Unang araw pa lang ay mabilis naubos ang stock ng TiBabi’s Kitchen, dahilan upang magdoble kayod sila at maglaan ng mas maraming paninda sa mga susunod na araw. 

“Grabe, bhie! Paubos na! Parang hinipan, bakit ganon? Kaka-restock lang guys! Sold out!” ani Abby. 

Ibinida rin nito sa kanyang vlog ang masisipag na staff ng TiBabi’s Kitchen na nagpupuyat at nagpapagod upang mapagbigyan lahat ng nais bumili ng kanilang mga tinapay. 

Pagdating ng ika apat na araw ng TP Fair, pinipilahan pa rin ang nasabing booth ng mga customer na nais matikman ang mga tinapay na si Abby mismo ang gumawa. 

“Day 4 na po ng ating TP Fair. Nakakatuwang tignan guys kasi sobrang haba ng pila sa ating booth!” ani Abby.

“Grabe sobrang haba ng pila, sobrang nakaka overwhelm. Ako yung mismong nagbe-bake, nakakataba ng puso, maraming maraming salamat guys sa suporta nyong lahat!” dagdag pa nito.

Grateful heart

Samantala, noong ika-lima at huling araw ng Team Payaman Fair sa SM Megamall, nasimot pa rin ang paninda nina Kevin at Abby, 8:52PM  pa lang ay sold out na ang mga ito. 

Kwento ni Abby, hindi niya inasahan ang demand sa kanilang produkto kaya naman labis labis ang pasasalamat nito sa lahat ng bumubuo ng TP Fair. 

Nagpasalamat din si Abby sa mga nakatulong niya sa pagluluto at pagtitinda, pati na rin ang mga customer na ibinabahagi ang kanilang magandang reviews sa TiBabi’s Kitchen. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

8 hours ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.