Viy Cortez Credits Team Payaman Fair’s Success to Supporters and her Team

Ilang linggo matapos ang matagumpay na Team Payaman Fair, inilabas ni Viy Cortez ang kanyang saloobin sa hindi malilimutang “influencer’s bazaar” ng taon. 

Sa kanyang bagong vlog, labis labis ang pasasalamat ng 26-anyos na vlogger at negosyante sa lahat ng nakiisa, dumalo, at bumubuo ng Team Payaman Fair na ginanap noong March 8-12 sa SM Megamall Megatrade Hall.

Teamwork makes the dream work

Dahil sa Team Payaman Fair, sa kauna-unahang pagkakataon ay napagsama sama halos lahat ng pinaka malalaking pangalan sa social media. 

Para sa VIYLine CEO na si Viy Cortez, hindi magiging matagumpay ang TP Fair kundi dahil sa teamwork ng lahat. 

“Hindi lang siya dahil sa’kin, dahil sa team, dahil sa mga magulang ko, nag-allign lahat, kaya siya naging perfect!” ani Viviys. 

Bukod sa mga bumubuo ng Team Payaman Fair, hindi rin aniya magiging tagumpay ito kung wala ang mga kapwa vlogger at influencer na nagtiwala sa kanya. 

“Nabuo ang Team Payaman Fair sa kagustuhan ko na ma-showcase yung mga business ng kapwa ko influencer,” dagdag pa nito.

“Kaya ang sarap-sarap sa puso na nakatulong ka ng ganun. Hindi lang ako ang tumulong sa kanila, tinulungan din nila ako. Tulungan talaga ‘to, hilahan pataas talaga, ganun yung Team Payaman Fair!”

Bilib din si Cong TV sa ipinamalas na sipag at tiyaga ng lahat ng influencer at vlogger para masigurong nag-eenjoy ang lahat ng pumunta sa TP Fair. 

Para kay Cong, ang mga influencer at mga supporters nito ang naging susi sa tagumpay ng TP Fair. 

Solid Team Payaman Fans

“Sana hindi ako ma-Tulfo!” ito ang pabirong sagot ni Viy Cortez nang tanungin kung ano ang tumatakbo sa isip nya noong magsisimula na ang Team Payaman Fair. 

“Grabe yung kaba ko nung sinesend na sakin nila Vien na ‘naka hot topic siya,’ ‘sold out na kami,’ ‘ang haba ng pila.’” 

Inamin ni Viy na sobra syang kinabahan sa kalalabasan ng nasabing event, ngunit napapawi lahat ng ito sa tuwing nakakasalamuha niya ang mga taong sumusuporta sa kanila.

“Yung nakita ko sila sa harapan ko, yung nakausap ko sila, yun yung nagpaintindi sa’kin na may nagagawa pala akong tama kahit papano. Meron pala talaga sumusuporta sa amin.”

Beyond grateful

Sa loob ng limang araw ng TP Fair, maka ilang ulit na pinasasalamatan ni Viy Cortez ang Panginoon sa magagandang nangyayari dito. 

Labis labis din ang pasasalamat nito sa lahat ng pumunta at nakisaya sa tinaguriang epic summer fair ng taon. 

“Hindi ko talaga inexpect yung dami ng tao na pupunta. Hindi ko alam kung paano makakapag pasalamat. Sana yung kanilang experience ay sapat na para makalimutan nila yung pagod nila sa pagpila.”

Samantala, hindi naman naitago ni Cong ang pagkabilib sa kanyang future wife matapos ang tagumpay ng TP Fair. 

“Sobrang galing na babae!” ani Cong sa kanyang fiance.

“Sa lakas ng loob nya, doon ako pinaka nababaliw. Kaya sobrang swerte ko din talaga sa kanya,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Viy
Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

6 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

11 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.