Muling nagbabalik sa kanyang mga kwelang palaro ang “King of Parlor Games” ng Team Payaman na si Boss Keng, kasama pa rin siyempre ang tinaguriang “Christmas Party Boys.”
Nilagyan ng twist ni Boss Keng ang kanilang Wagyuniku samgyup experience sa pamamagitan ng kanyang “Itayo Mo at Kakainin Ko” challenge.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang kanilang masayang pagsasalu-salo ng mga putahe mula Wagyuniku by Pat and Keng.
Kakaibang kainan ang hatid ni Boss Keng matapos maisip ang palaro para sa mga kasamahan sa Congpound.
“Kapag napatayo n’yo ‘to (plastic bottle), pwede na kayo kumain ng unli. Ngayon, ang huling makaka-kain o makakaubos ng last piece, magkakaroon ng one thousand pesos,” pang-enganyo ni Boss Keng.
Preo hirit ng TP Editor na si Carlo Santos: “Pre may naisip ako, pre! Lifetime free kain sa Wagyuniku!”
“Alam mo yung Dunlop? Alam mo kung gaano ka-kapal ‘yun? Parang mukha mo!” biro naman ni Michael Magnata, a.k a Mentos.
Matapos ang ilang beses na pagsubok, unang napatayo ng editor ni Boss Keng na si Rhomil Francisco ang bote kaya naman agad na itong nakakain.
Ilang ikot pa bago tuluyang masibak si Rhomil Francisco sa kanyang unli kain matapos mapatayo ng editor ni Dudut na si Cyrill ang bote.
Agad din naman itong pinalitan ni Steve Wijayawickrama na diretso agad sa mga lutong ulam upang masulit ang kanyang pagkapanalo.
“Hindi ako magluluto! Kakain muna ako!” biro nito.
Natanggal ang ngiti sa mga labi ni Steve nang mapatayo rin ng kanyang kasunod na si Kevin Hufana ang bote.
Matapos ang ilang ikot, bumalik muli si Rhomil sa kanyang trono na agad ding pinalitan ni Jocen.
Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay napatayo na ni Mentos ang mahiwagang bote, ngunit agad din namang naagaw ni Carlo ang kanyang trono.
“Kakakagat ko lang eh!” biro nito.
At syempre, hindi rin nagpahuli sa swerte ng bagong kasal na si Kevin Hermosada nang tuluyan na nitong napatayo ang bote at makakain.
Napawi naman agad ang galak nito dahil napatayo rin ng kasunod ni Kevin ang bote dahilan upang pabalikin ulit ito sa pila.
Samantala, nang makamit ang swerte sa unang pagkakataon, agad na sinulit ni Carlos Magnata, a.k.a Bok ang mga pagkain.
At bilang huling nakapagpatayo ng bote, inambunan pa rin ni Boss Keng ng papremyo ang bisitang si Mark.
“Ang nanalo na lang ay si… Mark! Mayroon kang lifetime Wagyuniku! Kaso uuwi na s’ya bukas sa Laoag” biro ni Boss Keng.
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.