Matunog pa rin sa social media ang iniwang saya ng Team Payaman Fair. Mapa netizens at influencer ay ibinabahagi ang kanilang TP Fair experience, tulad na lang ni “Kinaadman Cafe” owner na si Carding Magsino.
Sa bagong vlog ni Carding, ikinwento ni Carding kung paano nya sinama sa TP Fair ang Grab driver na naghatid sa kanya sa SM Megamall matapos mapag-alaman na masugid na tagahanga ito ni Cong TV.
“Nagtatayuan ang balahibo ko oh, tignan mo. Iba kasi yung presensiya ni Cong,” sambit ng Grab driver na si Kuya Albert.
“Magaan sa pakiramdam yung mga sinasabi niya,” dagdag pa nito.
Pagdating sa TP Fair, agad namang ipinakilala ni Carding si Kuya Albert sa iba pang miyembro ng Team Payaman at sa idolo nito na si Cong TV.
“Naghahanap buhay isinama mo dito sa event,” pabirong tugon ni Cong TV.
Ipinaliwanag din ni Carding na hindi siya kilala ng nasabing Grab driver ngunit hindi ito nagdalawang isip na sumama sa kanya.
“Ako hindi ko sasabihin sayo yung pangalan ko, bahala kang maghanap kung ano ang pangalan ko,” hamon nito kay Albert.
Matatandaang talaga namang pinilahan sa Team Payaman Fair ang coffee business ni Carding na Kinaadman Cafe.
Bilang pakulo, isang masaya at nakakatalinong palaro ang isinagawa ni Carding para sa kanyang mga customer na may kapalit na libreng kape.
Samantala, namigay din ito ng sumbrero na may pirma ng Team Payaman members gaya nina Cong TV, Yow, Tita Krissy Achino, Mentos at iba pa. Nakamit ito ng isang maswerteng bisita na bumili ng limang kape sa booth ni Carding.
Ngunit, hindi pa natapos diyan ang pamamahagi ni Carding ng kasiyahan para sa iba pang dumalo sa nasabing event. Bukod sa kape at sumbrero, namigay din ito ng TP Fair ticket sa dalawang masuwerteng nakasagot ng kanyang mga katanungan.
“Lalabas ako, magpapapasok ako ng tatlong tao. Pag nasagot nila yung tanong ko, pasok na sila,” paliwanag ni Carding.
“Ano ang pamagat ng kauna-unahang video ko sa YouTube?” Ito ang tanong ni Carding na hindi nasagot ng karamihan, ngunit walang sablay na nasagot ng isang lucky Team Payaman fan.
Labis labi naman ang pasasalamat ni Carding sa lahat ng dumalo, nakisaya, at sumuporta mula Day 1 hanggang Day 5 ng Team Payaman Fair.
Watch Full Vlog Here :
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.