Did Lassy of Beks Battalion Really Got Kicked Out at Team Payaman Fair?

Kabilang ang trio-comedian na Beks Battalion na nakisaya sa nagdaang Team Payaman Fair sa SM Megamall Megatrade Hall. Sa pangunguna nina Chad Kinis, MC Calaquian, at Lassy Marquez, naging mas masaya ang huling araw ang TP Fair noong March 12, 2023. 

Pero totoo nga kaya ang usap-usapan sa social media na napatalsik sa nasabing summer fair ang isang miyembro ng Beks Battalion na si Lassy?

Beks Battalion at TP Fair

Sa isang Facebook video, ibinahagi ni Chad Kinis ang naisip nitong kalokohan sa unang beses na pagbisita ng kanyang mga kagrupo sa Team Payamam Fair.

Dahil late aniya si Lassy sa kanilang call time, kinasabwat nito si MC at iba pang security team upang i-prank si Lassy.  

“Andito tayo sa Team Payaman Fair and we will be pranking Lassy. Wala pa kasi, late kasi siya. 3 o’clock ang usapan, wala pa rin siya,” ani Chad. 

Inatasan ni Chad ang dalawang bouncer na harangin at sapilitang palabasin ng VIP lounge si Lassy sa oras na dumating ito. 

“Kuya, haharangin mo si Kuya Lassy, tapos papalabasin mo. Pag tinanong kung bakit, ang sasabihin mo, ‘Bawal po kasi ang pangit,’” biro ni Chad.

“Tas pag tinanong kung bakit bawal, [sabihin niyo] andito na po kasi si Chad, isa lang po ang pwede,” dagdag pa nito.

It’s a Prank!

Matapos i-park ang kanyang sasakyan, dumiretso na si Lassi sa  VIP area. Ngunit hindi pa man ito nakakaupo ay agad na itong sinita ng kasabwat na bouncer. 

Mahinahon siyang kinausap ng mga ito habang sapilitang pinatatayo at hinihila palabas ng venue. Bilang parte ng prank, tila hinihikayat pa nina Chad at MC ang mga bouncers na kinasabwat niya.

“Kuya, kasama namin siya,” tugon ng dalawa.

Bago pa man matapos ang video, mapagkumbaba namang sumama si Lassy sa mga bouncers.

“Bakit ba siya papalabasin?” pagtatanong ni Chad upang tapusin ang prank.

“Bawal daw ang pangit dito eh!” pabirong sagot kasabwat na bouncer.

Doon napagtanto ni Lassy na prank lang pala ito ng kanyang kapwa Beks Battalion members.

Humility and Kindness

Kinabiliban naman ng netizens ang ipinakitang pagpapakumbaba at kabaitan ni Lassy sa gitna ng tensyon. 

Ann Bernardo: “Humble si lassy. Nakkatuwa naman. Magalang pa din sya at sumunod tlaga.” 

Mariel Ouano Almendras: “It shows how cool and kind Lassy is.”

Sophia Jown: “Kahit kelan kalmado lang talaga c lassy. Love it.” 

Dodie Baldoza: “Makikita mo dito talaga na may mabuting puso si lassy.” 

Kleng Gagaza: “Pero mabait parin si lassy apaka humble di sya nakipag sagutan.”

Claire Montero

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.