Toni Fowler Proudly Shares Fruit of Her Hardwork – a New Artista Van

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong artista van ng YouTube personality na si Toni Fowler, a.k.a Mommy Oni. 

Kamakailan lang ay nakiisa si Mommy Oni at ang negosyo nitong Fowler and Beauty (FAB) sa Team Payaman Fair na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Matapos ang TP Fair, ibinahagi ng 29-anyos na vlogger at entrepreneur ang isa sa kanyang mga hindi malilimutang tagumpay na bunga ng kanyang kasipagan.

Toni’s Gratitude

Dahil sunod-sunod ang mga natatanggap na biyaya, hindi pa rin nalilimutan ni Toni Fowler na magpasalamat sa Panginoon sa mga natatamasa nitong tagumpay.

“Gusto ko lang talaga magpasalamat sa lahat ng mga blessings na natatanggap namin ngayon kasi sunod-sunod na talaga [yung mga biyaya]. Iba ‘tong 2023 sa amin ngayon. Iba yung tama sa pamilya ko!” bungad ni Toni. 

Artista Van

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ganap ng aktres si Mommi Oni. Ito ay matapos siyang mapabilang sa bagong teleserye na “Ang Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Dahil sa mga biyayang natatanggap, naisipan ni Mommy Oni na magpundar ng sariling “artista van” na magagamit ng kanilang buong pamilya.

Ikinatuwa ng mag-inang Toni at Tyronia ang kanilang unang silip sa nasabing artista van. 

“Oh my God, ang ganda talaga mommy! Hala may Netflix, pwede tayong manood!” ani Tyronia.

Laking tuwa ng mag-ina nang malamang pwedeng pwedeng higaan at pagpahingahan ang kanilang bagong sasakyan.

“Mga bessy ko, ang saya ko na nagkaroon ako [ng van]! Grabe promise, sobrang saya ko talaga! Hindi na ako mahihirapan sa taping, sa mga alis alis namin,” kwento ni Toni.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na tanungin kung magkano nga ba ang presyo ng bagong artista van, na agad din namang sinagot ni Toni sa kanyang TikTok.

Ayon kay Mommy Oni, tumatagingting na Php 2.7 million ang halaga ng kanyang bagong pundar na sasakyan.

“At ‘yun na nga mga bessy ko, kahit masakit sa bulsa, nilaban ko talaga’yan. Sulit naman kasi talaga s’ya sa presyo n’ya diba?”

Netizens’ Reactions

Ipinahatid ng mga taga-suporta ni Toni Fowler ang kanilang excitement sa bagong tagumpay na nakamit ng kanilang iniidolo.

Jasmin Galos Taladro: “Yumayaman talaga ang isang tao pag binabash ng binabash eh. Nagsusumikap talaga! Proud of you mameh!”

Demisaur: “Dati nasa maliit na apartment yung una napanood ko kayo at now, just wow! Napaka-succesful nyo na kaya nakakatuwa yung makita mo yung success ng ibang tao!”

Maying: “Sobrang bait ni Mommy Oni! At ang ganda pa. Sana hindi po kayo magbabago Mommy Oni! God bless po!

Watch the full vlog below:

https://shopee.ph/viyline
Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

7 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

This website uses cookies.