Netizens Request for Team Payaman Fair Nationwide Tour

Hindi maipagkakaila na tagumpay at napakasaya ng kauna-unahang Team Payaman Fair na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Kaya naman hindi maiwasan ng netizens mag tanong at mag request ng ikalawang round ng Team Payaman Fair sa pangunguna nina Viy Cortez at Cong TV

Ang tanong, may round 2 nga ba? Saang lugar naman kaya susugod ang Team Payaman Fair?

Succesful TP Fair

Sa isang Instagram post, ipinaabot ni VIYLine CEO Viy Cortez ang kanyang pasasalamat sa lahat ng naging parte ng pinakamasayang summer fair ng taon. 

“Maraming salamat! Napaka solid nyo. hanggang ngayon di ako makapaniwala na nagawa ng Viyline ang ganung kalaki at ka successful na event! Maraming salamat Lord,” ani Viy Cortez kalakip ang larawan kasama ang mga dumalo sa TP Fair.

“Maraming salamat sa mga nagpunta, sponsors, influencers,suppliers, sa @viyline_mediagroup Team sa Pamilya ko na walang sawang sumusuporta at tumutulong sakin! At syempre sa Team Payaman members maraming salamat sa suporta mahal ko kayong lahat. Hanggang sa susunod na Team Payaman Fair! Tara po!” dagdag pa nito. 

Team Payaman Fair Nationwide Tour?

Naging matunog ang Team Payaman Fair sa buong Metro Manila, hindi lang dahil kinabibilangan ito ng ng sikat na vlogger group at ng iba’t-ibang social media influencer, kundi dahil na rin sa mga mura at dekalidad na produkto na matatagpuan dito.

Sa isang Facebook post ni Viy Cortez, tila nagpahiwatig ito na magkakaroon ng Team Payaman Fair sa iba pang lugar maliban sa Metro Manila. 

“Team Payaman Fair Cebu, Davao, Ilo-ilo na ba? grabe kayo,” ani Viviys. 

Kaya naman, lalong hindi magkamayaw ang Team Payaman fans at nag-aasam na dumayo ang TP Fair sa kani-kanilang mga lugar at probinsiya. 

Ju Ni La:  “Sana may TP fair din dito sa davao.” 

CeciLia: “TP FAIR CEBU naman soon @Viy Cortez punta talaga ako ba” 

Joys Quirino: “Mis viy!!! GENSAN, KORONADAL SOUTH COTABATO MINDANAO PLSSSSSS” 

Yaelea’s: “Sana bicol naman soon! Kakaproud na from Viyzaar naituloy hanggang Team Payaman Fair!” 

AnthonyApostol: “Sana Pumunta po kayo dito sa Tacloban leyte upcoming fiesta” 

Saan at kailan nga ba magaganap ang susunod na Team Payaman Fair? At sino-sinong mga influencers ang maaari niyong makahalubilo at makasalamuha? Abangan!

Claire Montero

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

14 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.