Boss Keng Hunts Rambutan Online to Satisfy Pat Velasquez-Gaspar’s Pregnancy Cravings

Isang pagsubok na naman ang nalampasan ni soon-to-be dad, Boss Keng. Ito ay matapos maghanap ng pagkain para sa kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar na ngayon ay limang buwan ng buntis.

Naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang “Rambutan Hunt” ni Boss Keng para lang mapagbigyan ang kanyang pinakamamahal na asawa. 

Rambutan Hunt

Sa isang Facebook post, hindi na napigilan ni Boss Keng na humingi ng tulong sa netizens upang maghanap ng makinis na Rambutan na tila pinaglilihian ni Pat Velasquez-Gaspar.

“Please po baka may alam kayo bilihan rambutan. Ilang linggo na nagccrave to si buntis. Bilhin ko po agad. Sawa na ata sya sa rambutan ko eh!” ani Boss Keng.

Isang malaking pagsubok para kay Boss Keng ang maghanap ng Rambutan dahil off-season ngayon ang nasabing prutas. 

“Wala sa palengke guys. Ilang linggo na kami naghahanap. HAHAHAHA” dagdag pa ng Team Payaman Game Master.

Isa rin ang Team Payaman Wild Cat na si Kha Villes sa mga tumulong maghanap ng Rambutan para sa kaibigang naglilihi.

Khakha: “Last week pa tayo naghahanap nyan, wala talaga!”

Dahil sa kagustuhang mapagbigyan ang kanyang pregnancy cravings, isang tumataginting na papremyo ang alok ni Pat sa sino mang makakapagbigay sa kanya ng Rambutan.

Pat Velasquez-Gaspar: “Sa makakapagbigay sakin ng rambutan ngayon bibigyan ko po ng 1K Gcash. Hindi ko na po talaga kaya itong cravings na ito mga mamser! Kumbaga bring me beybeh po tayo!” 

Mission Accomplished

Ilang oras matapos magpost ni Boss Keng sa Facebook, agad itong nakatanggap ng mga mensahe mula sa ilang mga Team Payaman supporters. 

Sa tulong ng netizen na si Kate Esperanza Acuzar, nakabili ng Rambutan sina Mr. and Mrs. Gaspar. Ang nasabing Rambutan seller ay naambunan din ipinangakong premyo bilang pasasalamat ni Pat.

“Ma’am, maraming salamat! Mabuhay ka! Grabe ma’am, thank you talaga!” ani Pat.

Netizens’ Reactions

Halo-halong reaksyon naman ang hatid ng mga Boss-Madam fans matapos matunghayan ang Rambutan Serye. 

John Wilson: “Buti hindi rambutan na seedless ang hinahanap!”

Lizette Candones Aquino: “Same nung nagbubuntis ako sa bunso ko way back 2010. May nadaan na pinya sa umaga as in 7 am kinakain ko na siya. Hindi ko pa alam na buntis ako noon. Araw araw talaga pinya sa umaga tapos sa hapon footlong naman ng Angel’s Burger!”

James D. Squared: “Buti kinakain. Yung iba pag naglilihi, inaamoy o tinitigan lang eh tapos aayawan na kinabukasan!”

Maryrose Baligala: “Sana makaranas din ako ng paglilihi. Baby, dumating ka na please?”

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.