Abi Campañano Pranks Congpound Housemate with Ti Babi’s Kitchen’s Secret Ingredient

Bago tuluyang maging Mrs. Hermosada, isang nakakaaliw na baking/ prank vlog ang hatid ni Abigail Campañano sa kanyang mga manonood. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng ngayon ay misis na ni Kevin Hermosada kung paano nya pinagluto at pinatikim ang bagong cookie recipe sa mga kasamahan sa Congpound. 

Si Abi ang may ari at pastry chef ng Ti Babi’s Kitchen, isa sa mga negosyong itinampok sa nagdaang Team Payaman Fair sa SM Megamall Megatrade Hall. 

Double Chocolate Cookies

Excited na ipinasilip ni Abigail Campañano ang kanyang unang pagkakataon na ipagluto ang mga kaibigan sa Congpound, partikular na ang mga kasama sa Content Creator House. 

Ayon kay Abi, ang nasabing pagluluto ay magsisilbi ring taste test para bagong produkto ng Ti Babi’s Kitchen. 

“Kapag nagustuhan nila ay idadagdag natin sa menu ng Ti Babi’s Kitchen,” ani Abi. 

Matapos i-bake ang unang batch ng cookies ay agad itong tinikman nina Yow at Cyril.

“Ang sarap ng pagkakaluto ng Leche Flan na ‘to,” biro ni Yow.

Bagamat nasarapan ang mga kasamahan, pakiramdam ni Abi ay kailangan nya pang ayusin ang texture ng unang batch ng cookies.

The Cookie Prank

Samantala, sa kalagitnaan ng mga pagluluto ay naisipan ni Abi na i-prank ang mga taga titikim ng cookies. 

Sa tulong ni Clouie Dims ang mga Double  Chocolate Cookies ay nilagyan nila ng mga kakaibang palaman gaya ng siling pula at isda. 

Sari-sari naman ang naging reaksyon ng Team Payaman members ng tikman ang tinaguriang “Cookie’ng Ina.”

Joshua: “Bakit iba lasa? Bakit may sili?”

Cyril: “Ano ‘to? Red chocolate?”

Dudut: “Parang ang sarap mag kanin, ang anghang kasi!”

Samantala, halos hindi naman maipinta ang mukha ng kasintahan ni Abi na si Kevin ng makagat ang cookies na may palamang isda. 

“Ginawa mo naman kaming pusa!” ani Kevin. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.