Payaman Insider Boys Give Listeners Quick Congpound 101 in New Podcast Episode

Ilang buwan matapos tuluyang makalipat sa Congpound ay unti-unti na ring nasanay ang Team Payaman sa kanilang bagong tahanan.

Sa isang masayang kwentuhan sa Payaman Insider Spotify podcast, ibinahagi nina Burong, Junnie Boy, Boss Keng, at Dudut ang mga kaganapan sa loob ng Congpound.

Junnie Boy’s House

Isang quick Congpound 101 ang hatid ng Payaman Insider boys sa kanilang bagong episode kung saan inisa-isa nila ang mga “dynamics” sa loob ng bawat tahanan. 

“Ang mga kasama ko don, unang una na yung driver namin si Kuya Terio, si Chavs, si Jocen,” panimula ni Junnie Boy. 

“Tapos, mayroon kaming dalawang katuwang sa buhay. Yung isa na kay Viela kasi di naman kami laging around. Tapos yung isa, pambahay. Syempre si Madam (Eve Marie Castro), dalawang editor si Bods tsaka si Paul tapos si Bok!” dagdag pa nito.

Kwento ni Junnie Boy, ang isa sa mga kwarto doon ay ginawa nyang “man cave” upang magamit sa pag gawa ng content, pag stream ng online games, at magsilbing opisina nila ng asawang si Vien Iligan-Velasquez.

Boss Keng’s House

Sunod na ibinida ni Boss Keng ang bahay kasama ang misis nitong si Pat Velasquez-Gaspar na ngayon ay ipinagbubuntis ang kanilang baby boy. 

“Sa amin, magandang pamilya rin. Syempre, ako yung tatay, may magandang nanay!” bungad ni Boss Keng.

Kasama nina Boss Keng at Pat ang mga editor nitong sina Rhomil Francisco at Angel Amaqui, ang driver na si Kuya Limuel, si Hannah Yu na kanilang executive assistant, nanay Mercy na kanilang katuwang sa bahay, pati na rin si Mentos. 

Ayon kay Dudut, ang gusto nya sa tahanan nina Boss Keng ay sabay sabay silang kumakain araw-araw. 

Ibinahagi rin ni Boss Keng na mayroon silang itinalagang house rules upang mapanatili ang kaayusan sa loob ng tahanan.

“Una na d’yan yung sinabe ni Dudut, sabay-sabay kami kakain kasi yun yung mga hindi natin nagawa sa mga naunang Payamansion. Ang ginawa namin sa bahay kapag pagdating 12PM at 7PM, dapat nasa mesa ka na!” paliwanag ni Boss Keng.

Content Creator House

Sunod naman na nagkwento ang housemates sa loob ng Content Creator House na sina Dudut at Burong. Anila, ibang iba ang set up ng kanilang tahanan kumpara sa tatlong bahay sa Congpound. 

Biro ng dalawa, ang kanilang mga computer ay naka-pwesto sa sala sa tapat ng bintana upang maiwasan ang buong araw na pagbababad sa computer. 

Kanila ring naikwento na sina Kevin Hermosada at Abigail Campanano ang natutulog sa baba dahil tiwala ang mga ito sa “sigaw skills” ni Kevin kung sakali man pasukin ang mga ito sa gabi.

“Yung setup namin sa content creator house is parang Payamansion pa rin kasi yung mga pc namin nasa baba, though kanya kanya ng kwarto. Ang nakikita talaga namin sa content creator house is mas private na s’ya at the same time hindi siya suffocating tambayan,” ani Burong.

Cong TV’s House

Ibinida naman nina Boss Keng ang natatanging setup ng bahay ng nina Cong TV at Viy Cortez.

Tila mixed layout daw ang mayroon ang bahay ng CongTViy couple na pinaghalo-halong hitsura ng bahay ng bawat isa.

“May mga sarili silang kwarto pero yung mga computer rin nila nasa baba. Since dalawa nga yung bahay nila roon, sama sama muna sila ngayon sa isang bahay [kasi hindi pa gawa yung isa],” paliwanag ni Boss Keng.

Ayon naman kay Junnie: “Basta yung setup na ginawa nila roon, may kwarto sa baba, may kwarto sa taas. Sobrang laki ng driver’s room doon kaya lahat ng boys nandoon tapos yung mga babae nasa baba. Tapos yung buong second floor, yun yung parang ginawa nilang bahay nila”

Listen to the full episode below:

Likes:
0 0
Views:
359
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *