Chad Kinis Dares TP Fair Influencers in ‘Bibili Ka o Bibili Ako’ Challenge

Isa sa mga nagpasaya sa Team Payaman Fair ay ang pagbisita ni Beks Battalion member, Richardson dela Cruz, a.k.a Chad Kinis.

Kabilang ang mga negosyo ni Chad na Thrst PH, Lowkey, at Beksilog sa mga itinampok sa TP Fair na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Kasabay nito ay ibinahagi ng komedyante ang kanyang masayang Team Payaman Fair experience.

Chad the Budol

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chad Kinis ang isang nakakatuwang challenge na inihanda niya para sa mga kapwa influencer at negosyante. 

Kakaiba ang marketing strategy na naisip ng Beks Batallion member sa kanyang “Bibili ka o Bibili ako” challenge. 

Unang sumabak sa challenge ang mag-nobyong Von Ordona at Carlyn Ocampo hatid ang negosyo nitong Billionaire Gang Apparel.

Nabunot nina Von ang “Bibili Ka” kung kaya naman si Chad ang kailangan bumili sa paninda ng BG Apparel.

“Ang plano ko mambudol, pero parang ako yung nabubudol ah?” biro ni Chad.

Napagisipan nitong bilhin ang souvenir cap at artwork ng BG Apparel sa halagang Php 1,500.

Sunod na sumabak ang King of All Parlor Games ng Team Payaman na si Boss Keng. Sa kasamaang palad, nabunot din ni Boss Keng ang “Bibili Ka” kung kaya naman muling sumugal si Chad at namili ng mga paninda ni Boss Keng.

Sunod na pinuntahan si Chad ang aktres, live seller, at influencer na si China Roces na nagbebenta ng Glamoroces Coffee at iba pang pre-loved items sa kanyang TP Fair booth. 

Game na game na nakiisa si China sa paandar ni Chad at nabunot ang “Bibili Ako,” kaya naman bumili ito ng dalawang insulated tumbler na mula sa Thrst PH ni Chad. 

Sunod namang nabudol ni Chad ang CEO ng Rabbies Cosmetics na si Rana Harake.

“Sabi na lugi na naman kay Chad Kinis eh! Lagi nalang lugi kapag may palaro s’ya!” biro ni Rana.

Nabudol ni Chad si Rana na bilhin ang kanyang mga paninda at laking tuwa nito ng may pa-keep the change ang kapatid ni Zeinab Harake.

“Kaya mahal na mahal kita, magaling kang mamburaot eh!” dagdag pa ni Rana.

Ang real life couple naman na sina Agassi Ching at Jai Asuncion, a.k.a Jaiga, ang sunod na sumabak sa palaro ni Chad.

Nabunot ng dalawa ang “Bibili Ako” kung kaya naman dali-dali nitong binili ang dalang Lowkey merch ni Chad Kinis na nagkakahalaga ng Php 899 isa.

At syempre, hindi pinalampas ni Chad ang pagkakataong mabudol ang YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez. 

Dali-daling naghintay si Chad sa VIP room upang salubungin si Cong TV na nanggaling pa sa kanyang Cong Clothing booth.

Nabunot ni Cong  ang “Bibili Ako” kung kaya naman pinakyaw nito ang paninda ni Chad.

“Oh sige, kukuha ako ng bente!” sagot ni Cong.

“Totoo ba? Hindi ko pa sinasabe kung magkano ‘to!” biro ni Chad.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.