#TPFairHigh: Team Payaman Can’t Get Enough of First-Ever TP Fair Experience

Halos isang linggo makalipas ang Team Payaman Fair, tila may “TP Fair High” pa rin hindi lang ang mga dumalo, kundi pati na rin ang mga Team Payaman members na nakiisa sa pinakamasayang summer fair ng taon.

Ilang miyembro ng Team Payaman ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan matapos magbenta at personal na makasalamuha ang kanilang mga taga-suporta.

TP Fair High

Unang ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilan sa mga kaganapan sa kanilang unang araw sa Team Payaman Fair sa kanyang bagong vlog.

“Ngayon ay Day 1 na ng TP Fair and sobrang excited namin, kasi after 3 years, andyan na sila!” bungad ni Pat.

Pagbati mula sa mga taga-suporta ng PatEng ang sumalubong sa mag-asawa matapos nitong libutin ang mga booths sa nasabing summer fair ng taon.

“Grabe, nakakatuwa naman!” reaksyon ni Pat.

Kaliwa’t kanan naman ang mga nagpa-picture kina Boss Keng at Pat matapos nitong bisitahin ang kanilang booth kung saan matatagpuan ang mga produkto ng Ad Maiora Sole Collection at Boss Apparel.

Isa rin si Ninong Ry sa mga nagbahagi ng kanyang mga ‘di malilimutang experience sa Team Payaman Fair.

“Nadaan lang kami kasi galing kami charity event, eh maaga natapos,” ani Ninong Ry sa kanyang vlog.

Ipinakita naman ni Ninong Ry ang kanyang suporta sa Team Payaman sa pamamagitan ng pagsubok ng mga food products sa TP Fair. 

Inisa-isa ni Ninong Ry ang mga food stall ng kanyang mga kaibigan gaya ng Haring Bangus ni Michael Magnat a.k.a Mentos, Bursger at Burswich ni Aaron Macacua a.k.a Burong, at Boksilog ni Carlos Magnata a.k.a Bok. 

Sinubukan din ni Ninong Ry ang mga lutong ulam ni Chef Enn, pastry products nina  Kevin Hermosada at Abigail Campanano sa TiBabi’s kitchen, Bagsik Chicharon ng Team Sabino, at Overbreak Coffee Shop ni Dudut.

See You Next Year?

Isang masaya at hindi malilimutang Team Payaman experience ang ating nasaksihan ngayong taon.

Taos pusong pasasalamat ang hatid ng VIYLine Media Group sa bawat miyembro ng Team Payaman, TP Friends, mga sponsors, at sa mga kapitbahay na dumalo sa pinakamasayang summer fair ng taon!

Kita-kits sa susunod pang Team Payaman Fair! Manatiling naka-abang sa opisyal na Facebook page ng Team Payaman Fair at VIYLine Media Group para sa mga updates at announcements.

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

12 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

2 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

2 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

3 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

4 days ago

This website uses cookies.