Vien Iligan-Velasquez Updates Viewers with House Renovation for Parents

Ilang buwan matapos pansamantalang lisanin ang kanilang bahay sa Trece Martires, Cavite, nagsimula na ang pagsasaayos sa bahay ng mga magulang ni Team Payaman vlogger Vien Iligan-Velasquez. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Vien ang ilang pagbabago sa kanilang bahay na aniya’y matagal na nyang pinangarap mapaayos para sa kanilang pamilya. 

Gift to parents

“Excited ako syempre, pawis at dugo pinaghirapan ko talagang ipatayo yang bahay namin,” kwento ni Vien lligan-Velasquez. 

“Talagang regalo ko yan kina mama dahil sabi ko nga sa kanila, matatanda na kayo kailangan na nila ng pahingahan. Yung wala na silang iniintindi,” dagdag pa nito. 

Ayon kay Vien, nauna na nilang bilhin ang nasabing bahay kaya naman ngayon ay plano nyang ayusin ito para mas maging maginhawa ang pamumuhay ng kanyang mga magulang at mga kapatid. 

Naikwento rin ni Vien na nasasabik na ang kanyang pamilya sa nasabing bahay dahil magkakaroon na sila ng mas maluwag na espasyo.

“Sabi nga sa akin ni Papa, kapag nagawa na ‘tong bahay na ‘to, iwan nyo na sa akin yung mga apo ko ah kasi di n’ya nakakasama sina Mavi at Viela!” kwento ni Vien.

Site Visit

Kasama ang asawa nitong si Junnie Boy, binisita ni Vien ang kanilang munting bahay sa Trece Martires sa Cavite.

Buong galak na inilibot ni Vien ang kanyang mga manonood sa ipinapagawang tahanan para sa kanyang mama at papa.

“Dito yung kwarto nila mama sa baba. Alam n’yo naman kapag senior [citizen]. Para di na aakyat kapag iihi!” bungad nito.

Ipinasilip din ni Vien ang ikalawang palapag ng bahay kung saan matatagpuan ang mga kwarto nilang magkakapatid.

Ibinahagi rin ni Vien na kanyang ideya ang palagyan ng ikatlong palapag ang kanilang bahay dahil gusto nitong kumpleto sila ng mga kapatid niya.

“Masaya ako. Masaya talaga ako! Ito na ang bunga ng trabaho ko. So yun lang, ang saya. Ang saya!” ani Vien.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

17 hours ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

17 hours ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

2 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

3 days ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

4 days ago

This website uses cookies.