Vien lligan-Velasquez and Junnie Boy’s Daughter Undergoes Minor Oral Tie Surgery

Kamakailan lang ay sumailalim rin sa Laser Tongue Tie surgery ang unica hija nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Alona Viela.

Kasabay nito ay ang pagbabahagi ng ngayo’y mom-of-two ng kanyang mga paghahanda at karanasan matapos ang nasabing operasyon ni Baby Viela.

Pre-operation

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang kanyang mga paghahanda bago sumailalim ang anak sa kanyang unang surgery.

Sinimulan ng mag-ina ang kanilang breastfeeding routine sa umaga kasama ang kuya nitong si Mavi na bumati pa sa kanyang Mommy Vien.

“Good morning!” bati ni Mommy Vien.

“Mommy ano gawa mo? Good morning!” sagot naman ni Mavi.

Pagkatapos ng feeding session ay agad na pinadighay ni Mommy Vien si Viela at patuloy nang naghanda para sa laser surgery nito.

Kagaya ng anak nina Cong TV at Viy Cortez na si Baby Kidlat, kinakailangan ring sumailalim ni Viela sa isang minor sugery upang maiwasan ang anumang komplikasyon sa pananalita habang ito ay lumalaki.

“Yung tongue tie n’ya is level 3 and 4. Nalaman nalang namin na mayroon s’ya [oral ties] newborn pa lang s’ya” kwento ni Vien.

Dagdag pa nito: “Mayroon ibang mga bata na hindi naman nabubulol. Pero syempre ako, natatakot ako na, syempre ayoko naman antayin na lumaki pa si Viela tapos malalaman ko na bulol tapos tsaka pa lang s’ya ipapa-laser.” 

Ibinahagi rin ni Mommy Vien na malaki ang naging pagbabago sa katawan at timbang ni Baby Viela matapos nitong pagtuunan ng pansin ang kanyang breastfeeding habits.

“Sulit yung puyat ko, yung pagod ko araw-araw!” pagmamalaki ni Vien.

Matapos magkwento ay diretso na agad sa pag-aayos ng mga gamit si Mommy Vien para sa kanilang 4:00 PM appointment.

Post-surgery

Matapang na hinarap ni Viela ang kanyang first-ever surgery sa suporta at gabay ng kanyang Mommy Vien at Daddy Junnie.

Matapos ang kanyang operasyon ay agad na umuwi ang Pamilya Iligan-Velasquez upang obserbahan ang magiging reaksyon ni Baby Viela.

Kinabukasan ay game na game pa ring nakipagkulitan si Baby Viela sa kanyang Mommy Vien at laking tuwa nitong ibinahagi na walang anumang negatibong epekto sa katawan si Baby Viela ang surgery nito.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

17 hours ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

17 hours ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

2 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

3 days ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

4 days ago

This website uses cookies.