‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ Visits Top Trending Team Payaman Fair

Dahil sa hindi matatawarang tagumpay ng kauna-unahang Team Payaman Fair, lumipad ang team ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)  sa pinakamasayang summer fair ng taon.

Kasama ang ilan sa mga miyembro ng Team Payaman, hatid ng KMJS ang isang episode at pasilip sa mga kaganapan sa nagdaang Team Payaman Fair.

KMJS on TP Fair

Mula March 8-12, 2023 ay ginanap ang limang araw na Team Payaman Fair kung saan puno ng saya, negosyo, at pakikipagbonding sa kanilang mga taga-suporta sa SM Megamall Megatrade Hall.

Personal na lumipad ang team ng GMA 7 News Magazine Show na Kapuso Mo Jessica Soho upang makapanayam ang isa sa mga tinitingalang vlogger group sa bansa.

Kakaibang excitement ang ipinahatid ng ilang Team Payaman members matapos  makasalamuha ang tanyag na news anchor sa bansa na si Jessica Soho.

Viy Cortez: “Wag po kayo malito ako yung naka white! Sa sobrang ingay ng Team Payaman Fair lumipad ang team at si Ms Jessica mismo sa SM Megamall. Abangan ang TP fair sa KMJS bukas. Maraming salamat po Maam Jessica Soho!” 

Pat Velasquez-Gaspar: “At lumipad ang kanilang Team sa TP fair. Abangan ngayong linggo ang team payaman sa KMJS. #IKMJSNAYAN #TeamPayamanFair”

Tita Krissy Achino: “Lumipad ang kanilang team upang saksihan ang nagaganap na Team Payaman Fair dito sa MegaTrade Hall ng SM Megamall… Maraming salamat sa pagbisita, Ma’am Jessica Soho at Kapuso Mo, Jessica Soho! Abangan ang kwento namin sa #KMJS mamayang gabi!!!”

Jessica Soho meets Team Payaman

Umere nitong linggo ng gabi ang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho na ipinakita ang tagumpay ng first-ever social media influencer fair na pinangunahan ng business owner na si Viy Cortez at ilang mga kasama nito sa Team Payaman.

Isang masayang kwentuhan ang sumalubong kay Jessica Soho, lalo nang tanungin nito kung kamusta na ba ang Team Payaman.

“Masaya!” sabay sabay na sagot ng TP Wild Dogs at Wild Cats.

“Hindi kami makapaniwala na mayroon na kaming ganitong event na nagagawa. Kaya maraming salamat sa Diyos!” laking pasasalamat ni Viy Cortez.

“From vloggers to influencers to ngayon, business minded people, ang galing ng evolution ninyo!” pagbati ni Jessica Soho.

Ayon sa grupo,  si Cong TV ang siyang puno’t dulo ng kanilang pagyabong at pag-asenso sa larangang ng vlogging at negosyo.

“Siguro malaking bagay yung wisdom ni Cong. Kung ano yung landas na tinahak n’ya, ‘don lang rin kami pumupunta,” dagdag pa ni Viy.

Ayon naman kay Junnie Boy, dahil sa kanilang pagiging kwela at natural ay unti-unti nilang nakamit ang tagumpay sa paggawa ng YouTube videos.

Netizens’ Reactions

Hindi naman magkamayaw ang mga taga-suporta ng Team Payaman matapos masaksihan ang paglabas ng nasabing grupo sa telebisyon.

Kaliwa’t kanan ang papuring hatid ng mga netizens para sa kanilang mga sinusuportahang personalidad mula sa grupong Team Payaman.

Queen Nisah II: “Iba ka na talaga Viy Cortez wait namin yung pa concert mo ha?#PINAKAMALUPIT”

Risa Siguan Sabalbarino: “Congratulations Ms Viy Cortez!”

Janine Español: “Congrats po Maam Pat and buong Team payaman!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

29 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

35 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.