Payaman Insider Boys Tease What to Expect at Team Payaman Fair

Masayang ibinahagi ng Team Payaman boys ang ilan sa kanilang mga paghahanda para sa nalalapit na Team Payaman Fair. 

Sa panibagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify, muling inanyayahan nina Burong, Junnie Boy, Boss Keng, at Dudut ang kanilang mga taga suporta sa pang malakasang social media influencer bazaar ng taon.  

Team Payaman Fair

Sa darating na March 8-12 ay magaganap na ang pinaka aabangan na Team Payaman Fair sa SM Megamall Meagtrade Hall, kung saan kasama ang ilan sa mga bigating pangalan sa mundo ng vlogging at social media. 

Ang Team Payaman Fair ay inaasahan na magiging daan upang makilala, makasalamuha, at masubukan ang mga produkto ng mga negosyanteng influencers.

Bilang imbitasyon, ibinahagi ng Team Payaman Wild Dogs ang ilan sa mga dapat abangan ng kanilang mga taga-suporta sa pamamagitan ng isang podcast episode.

TP Business Ventures

Inisa-isa ng TP Wild Dogs ang mga dapat abangan ng kanilang mga taga-suporta para sa nalalapit na Team Payaman Fair.

“Ako guys, makikita n’yo roon yung Giyang Clothing. Sobrang dami kasi nung may gusto at nagre-request sa akin nung Giyang [shirt] na anime. Sold out yun brad. Gusto ko lang sana gawin s’yang limited [edition]. Pero ngayon, maglalabas ako ng 250 pieces para sa TP Fair,” pagbabahagi ni Junnie Boy.

Dagdag pa nito: “Tapos, maglalabas pa ako ng bagong design. Talagang sobrang lupit guys! Anlupet!” 

Kwento pa ni Junnie, nasa TP Fair din ang MuyVien Kids, ang bagong negosyo ng asawa nitong si Vien Iligan-Velasquez.

“Idagdag ko rin pala yung kay Vien! MuyVien magkita kita tayo doon. Tsaka yung Nips to Go para sa mga kababaihan!” ani Junnie.

Samantala, marami ring dapat abangan mula kay Boss Keng at sa asawa nitong si Pat Velasquez-Gaspar 

“Sa akin, syempre yung number one is yung Boss Apparel. Ang ginawa ko, kinuha ko yung limang pinaka-malakas na design. Pinakahinahanap. Tapos nag-add ako ng dalawa na doon lang sa TP Fair lalabas!” paliwanag ni Boss Keng.

“Syempre, abangan n’yo yung sa business ni Pat yung Ad Maiora. Tsinelas [sandals] naman s’ya para sa mga girls. Tapos sana lumabas din doon [sa TP Fair] yung Curva Slimming Coffee pero di pa sure kung aabot. At ang pinakahuli sa lahat, yung Burgeran namin ni Junnie Boy!” dagdag pa nito.

Sunod namang ibinida ni Dudut ang kanyang sariling coffee shop na kakabukas lang din ngayong taon.

“Aking syempre yung kapihan ko, yung Overbreak. Dagdag ko rin pala yung sa girlfriend ko, si Clouie, mayroon din s’ya pa lang binebenta doon mga second hand at preloved [na mga damit].” kwento ni Dudut.

Syempre, hindi rin nagpahuli si Dudut at soon-to-be wife nitong si Aki Anggulo. 

“Para naman sa akin guys, unang una sa mga ni-launch kong product which is yung Pure Drops and something interesting dito is hindi lang kami nag-stick sa hanging diffuser sa kotse, nag-expand na kami sa mga bagong products. Nag-explore kami ng mga scented candles.” pagbabahagi ni Burong.

“Nagpunta muna kami sa mga produktong pwede syang gawing scented. Kung si Boss Keng at Junnie Boy ay may burgeran doon, maglalabas din ako ng guys ng tinatawag na Burswich [Bur’s Sandwich] at Bursger [Bur’s Burger]” dagdag pa nito.

Listen to the full episode here:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.