Team Payaman and Friends Gear Up For Team Payaman Fair

Ilang araw na lang ay magaganap na ang pinakahinihintay na pinakamalaking bazaar fair ng taon, ang Team Payaman Fair ngayong March 8 hanggang 12 sa SM Megamall Building B Megatrade Halls 1-3.

Dahil dito, kaliwa’t kanan na ang paghahanda ng mga Team Payaman members para sa kanilang mga negosyo na tiyak na dadayuhin ng kanilang mga taga-suporta.

The Preparations

Ngayong March 8-12 ay magbubukas na ang pintuan Team Payaman Fair, kung saan bibida ang mga negosyo at produkto ng Team Payaman at iba pang kilalang social media influencers sa bansa. 

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang pagkagalak sa nalalapit na TP Fair.

Kevin Hermosada: “READY NA KAMI SA Team Payaman Fair AT SA WEDDING! Nakakakaba parehas pero exciting! Props sa magiging asawa ko lupit mo umasikaso! Abigail Campañano”

Present sa Team Payaman Fair ang pastry business nila ng kaniyang soon-to-be-wife na si Abigail Campañano na Tibabi’s Kitchen

Kung may pastries, syempre dapat may ka-partner itong kape na sagot na ng TP Wild Dog na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang.

Ang negosyo nitong Overbreak ay isa rin sa mga matitikman ng mga maswerteng pupunta sa nasabing summer bazaar. 

Dudut Lang: Dadalhin namen sa SM Megamall yung OverBreak para naman matikman ng mga nasa north.

Isa rin si Michael Magnata, a.k.a Mentos sa naghahanda at excited na para sa kanyang negosyo na matatagpuan sa Team Payaman Fair.

Mentos: “Ready na si Haring Bangus sa Team Payaman Fair partida nakapikit pa ako nyan kaya kitakits March 8-12 avail your tickets now!!!”

Syempre, nakahanda na rin ang Team Payaman Fair-exclusive collection ng Cong Clothing.

Cong Clothing: “EXCLUSIVE ONLY at Team Payaman Fair 7 na tulog nalang! #TeamPayamanFair”

Ang co-owner ni Viy Cortez sa kanyang feminine dress business na si Ivy Cortez-Ragos ay isa rin sa mga punong-abala sa paghahanda para sa TP Fair.

Sa isang Facebook post, ibinahagi nito ang kanyang excitement at paghahanda para sa booth ng kanyang self-built brand na Ivy’s Feminity.

Bukod sa Team Payaman, naghahanda na rin ang ilan sa mga social media personalities na dadalo sa Team Payaman Fair..

Ang may ari ng BenLy’s Online Shop na mag-asawang Benj Manalo at Lovely Abella, ay excited na rin sa kanilang nalalapit na ‘big day’.

Benly’s Online Shop: “Oo, tama ka! 7 Days na lang mga ZUKI!  Maghanda na sa mga bonggang pasabog namin para sa inyo! Kitakits mga ZUKI! Get in touch with us for more updates and pasabog! SM Megamall Building B, Megatrade Hall 1, 2 & 3 March 08, 2023 to March 12, 2023”

Viviys’ Preparations

At syempre, hindi pwedeng mawala ang mga preparasyon ng punong abala para sa nalalapit na Team Payaman Fair, ang VIYLine Group of Companies CEO na si Viy Cortez.

Viy Cortez: “Yung gusto mong magpaganda pero sobrang daming inaasikaso dahil 7 days nalang Team Payaman Fair na‼️ at si kidlat marunong ng maghabol sakin ayaw nya na ako nawawala sa paningin nya😍 buti nalang kaya ko maging 5 hehe”

Sa isang Facebook post, ibinahagi rin ni Viviys ang naging paghahanda ng kanyang mga kasamahan sa Congpound para sa TP Fair.

Viy Cortez: “Grabe na ang paghahanda ng TP para sa Team Payaman Fair! kitakits 10 araw nalang!”

See you there!

Sa halagang P150, makikita, makakausap, makakapag-papicture, at masusubukan mo na ang mga produkto ng paborito mong social media personality!

Manatiling nakasubaybay sa Official Facebook page ng Team Payaman Fair para sa karagdagang impormasyon.

Likes:
0 0
Views:
491
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *