Chef Enn is Back to Cook Sumptuous Meal for Team Payaman in Congpound

Muling nagbabalik ang resident cook ng Team Payaman  upang ipagluto ang grupo sa kauna-unahang pagkakataon sa Congpound.

Pinagbigyan ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn ang soon-to-be-married couple na sina Cong TV at Viy Cortez sa kanilang request na masabaw na ulam sa kaniyang pagbisita sa bagong tahanan ng Team Payaman.

Pork Adobo at Pork Nilaga

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chef Enn ang unang potaheng niluto niya para sa Team Payaman.

Ayon dito, request ng kanyang Bossing Cong TV at Viy Cortez ang isang masabaw na ulam kaya naman agad nitong naisip na magluto ng Adobo at Nilagang Baboy.

Sinimulan ng resident chef ng Team Payaman ang paghahanda sa pamamagitan ng paglilinis at paghihiwa ng mga rekado.

Ibinahagi rin ni Chef Enn ang ilan sa mga paraan upang mapabilis at maayos ang pagkakahiwa ng ilan sa kanyang mga gagamitin sa pagluluto sa tulong ni Ate Lyn.

Unang inihanda nina Chef Enn ang bawang, sibuyas, at sili para sa kaniyang lulutuing Adobong Baboy.

“So ayan guys, ang unang ginagawa ko sa pag-aadobo is sini-searing ko each part para mag brown. So pag nag-brown ‘yan, iseset aside na natin,” turo nito.

Pagkatapos ihanda ang karne, sunod na pinainit ni Chef Enn ang kawali sa mantika at tuluyang ginisa ang bawang, sabay halo ng karne.

Syempre, hindi pwedeng mawala ang dahon ng laurel, paminta, toyo, at suka na siyang nagpapasarap sa Adobo.

Matapos ang ilang minuto ay nilagyan na rin ni Chef Enn ng kaunting siling labuyo at siling pari ang Adobo nito.

Para naman sa Nilagang Baboy, una nang pinakuluan ni Chef Enn ang pata ng baboy sa asin, paminta, at tubig na s’yang pangunahing rekado.

Matapos pakuluan, isinama na nito ang mais, broth cubes, patis, saging, petchay, at repolyo sabay hinayaan itong uminit sa katamtamang apoy.

Nakiisa rin ang tatay ni Cong TV na si Val Velasquez, a.k.a Papa Shoutout sa pagluto ng kanilang kakainin para sa pananghalian. 

“Uy, chef! Welcome back! Sana dito ka nalang lagi! Miss ko na mga luto mo!” aniya.

Ilang minuto lang ay handa na ang mga putaheng inihanda ni Chef Enn para kina Cong TV at pamilya nito.

Taste Test

Agad na tinikman ng mga kasamahan nina Cong at Viy ang lutong Adobo at Nilagang Baboy ni Chef Enn, na ayon sa kanila ay masarap.

“Grabe, Ang sarap n’ya habang tumatagal!” ani Papa Shoutout.

“Kakaiba talaga! Ang sarap! Ang sarap din [ng nilaga]! Walang palya,” reaksyon naman ni Cong TV.

Abangan ang masasarap na luto ni Chef Enn sa Team Payaman Fair na gaganapin sa March 8-12, 2023, sa SM Megamall Building B Megatrade Hall Halls 1-3. Kita kits!

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
648
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *