Team Payaman Gives Steve Wijayawickrama a Birthday Wish With a Twist

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Steve Wijayawickrama ang kanyang kaarawan, kasabay din ito ng kaarawan ni Pat Velasquez-Gaspar at ng gender reveal party para sa kanyang panganay. 

Bilang pagbati ay nagbigay ng kakaibang mensahe ang Team Payaman para sa kaarawan ng kanilang Sri Lankan friend. 

Happy Birthday, Steve!

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Steve ang ilang mga mensahe na natanggap niya mula sa kanyang mga mahal sa buhay, pati na ang mga kasamahan sa loob ng Congpound.

Naging “dear future me” ang tema ng mga mensaheng natanggap ni Steve sapagkat ang mga ito ay ang mensaheng nais nilang maiparating kay Steve sa paglipas ng sampung taon.

Unang ibinahagi ni COLN vocalist at Cong Clothing co-founder Awi Columna ang kanyang mensahe para kay Steve.

“Ten years from now? Bakit mo kami iniwan?!” biro ni Awi.

Sinundan naman nina Burong at Dudut ang pagbati para kay Steve sa pamamagitan ng kanilang kwelang mensahe.

“Steve, di ko akalain na magiging babae ka! Sana kilala ka pa rin namin ten years form now baka kasi sobrang sikat ko na,” kwelang sagot ni Burong.

Dagdag naman ni Dudut: “Steve, alam ko namamatay ka sa inggit sa natatamasa kong buhay ngayon kasi artista na ako!”

Hindi rin nagpahuli ang birthday twin nitong si Pat Velasquez-Gaspar na nagpahatid ng kanyang taos-pusong mensahe para kay Steve.

“Sana Steve kasama ka pa rin namin sa Team Payaman kasi mahirap yung ano ‘eh, yung part s’ya ng Team Payaman tapos bigla s’yang mawawala. Sana hanggang pagtanda natin kasama kita!” aniya.

Dagdag naman ni Kevin Hufana: “Kasama ka man namin o hindi, ang wish ko sa’yo sana makapasa ka ng board [exam]! Civil Engineering! Kasi alam ko na isa ‘yon sa mga gusto mong ma-achieve sa buhay.”

“Sana natupad mo na yung pangarap mo. Gaya nga ng sinasabe ng mga kuya at ate mo, yung talent mo, ma-share mo na s’ya sa iba!” pagbati naman ni Tin Piamonte.

Ang soon-to-be-married couple naman na sina Kevin Hermosada at Abby Campañano ay nagpahatid rin ng kanyang mensahe kay Steve.

“Sana magkakilala pa rin tayo, sana kilala mo pa ako. Sana magkakaibigan pa rin tayo, and di naman magbabago kung ano yung tingin ko sa’yo eh!” ani Kevin.

Dagdag naman ni Abby: “Gusto ko lang matupad lahat ng pangarap mo sa buhay. Syempre, good health rin for you, syempre hindi biro yung trabahong tinatahak natin ngayon kaya gusto natin palagi tayong healthy!” 

“Steve kung nasaan ka man ten years from now, happy birthday! Ingat ka lagi! Sana masaya ka, sana malusog ka. Tsaka sana, walang nagmumura sa’yo,” palambing na bati ni Junnie Boy.

Ayon naman kay Tita Krissy Achino: “Sana Steve, maisakay mo na kami sa sports car mo. Tsaka by that time, milyon-milyon na ang nanonood sa’yo.”

Syempre, hindi pwede mawala ang mensahe ng Team Payaman headmaster na si Cong TV para kay Steve na minsan nyang naging editor ng kanyang mga vlogs.

“Ang message ko sa’yo ten years from now is I hope you achieve all the great things that you want to achieve in your life. Not only as a content creator, but as a human being I hope you’re doing well right now,” ani Cong TV.

Hindi rin nagpahuli ang girlfriend ni Steve at sinabing: “34 ka na! Baka may anak ka na ‘non!” 

“Sana masaya ka sa buhay mo. 34 ka na, baka apat na anak natin ‘nun! Sana nasa ibang bansa tayo. Sana nahanap mo na yung gusto mo sa buhay. Sana kasama mo pa rin ako,” dagdag pa ni Josie. 

Ipinahatid din ni Steve ang kanyang mensahe para sa sarili makalipas ang sampung taon mula sa kanyang ika-24 na kaarawan.

“Steve kung pinapanood mo ‘to, I wanna say that ngayon, ang saya saya mo na. Sana 10 years from now, sobrang saya mo pa rin kasi sa ngayon, ‘di ko alam kung ano talaga ang gusto ko. All I know is that gusto ko  masaya ako, kaya I’m living life to the fullest. Making the years count instead of counting the years!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
621
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *