Team Payaman Swoon Over Kevin Hermosada and Abby Campañano’s Pre-Wedding Video

Bago pa man ilabas sa madla pre-wedding video nina Kevin Hermosada at fiance nitong si Abigail Campañano ay ipinapanood muna nila ito sa buong Team Payaman.. 

Isang reaction video ang hatid ngayon ni Kevin kung saan kitang kita ang kilig at saya ng kanyang mga kapwa vlogger at kaibigan sa Congpound. 

#ABBYTheOneForKevs

Ilang linggo bago mag isang dibdib ay ibinahagi ni Kevin Hermosada ang prenup video nila ng kanyang soon-to–be misis. 

Ang nasabing prenup video ay gawa ng kilalang film director na si Titus Cee na sya ring gumawa ng music video ng huling kanta ni Emman Nimedez na  ‘Simula’.

Mapapansing ilan sa mga lokasyon ng kanilang prenup video ay kinunan mula pa sa Summer Capital of the Philippines, ang Baguio City.

Binalikan din ng dalawa ang pinagmulan ng kanilang love story hanggang sa tuluyan na itong nauwi sa pagkuha ng matamis na “oo” ni Abby.

“When I made God the center of my life, sinabi n’ya sa akin… ‘Kevin, si Abby nga pala!’ Kahit madaming problema, nalampasan pa rin namin. We’re still together.” 

Sa nasabing prenup video ay ibinahagi rin ni Kevin na isa sa mga pangarap n’ya ay ang bumida sa isang wedding film at ma-stress sa kanyang sariling wedding preparations.

“Sure akong malinaw ‘to. Sure akong gusto ko ‘to. Gusto kong kasama kita sa lahat,” mensahe ni Kevin sa kanyang soon-to-be-wife.

“Abby, marami na tayong pinagdaanan na pagsubok. Hindi mo ako sinukuan kahit saan man ako dalhin ng panahon. Kahit malugi o mabenta man ako, nand’yan ka parin nakakapit at pilit ako inaangat,” dagdag pa nito.

Team Payaman Kilig Reactions

Agad naman pinapanood ni Kevin ang nasabing obra sa kanyang mga kasamahan sa Congpound. 

“Matagal ko na pinangarap talaga ‘to eh. Sa wakas… excited na akong makita nila [Team Payaman] ‘to!” ani Kevin.

Kaliwa’t kanan naman ang mga nakakatuwang reaksyon ang nakuha ni Kevin sa kanyang mga kaibigan na kanyang ibinahagi sa kanyang bagong vlog.

Hiwalay ang panonood ng Team Payaman Wild Dogs sa Team Payaman Wild Cats upang mas lalong makita ang reaksyon ng bawat isa.

At syempre, hindi rin nawala ang mga natatanging reaksyon ng pamilya at mga kaibigan nina Kevin at Abby.

“Ito na yun anak! ‘Yung sa tagal ng panahon, ito na yung inaantay natin!” ani ng nanay ni Kevin na si Nanay Virgie Hermosada.

Palakpakan at #KiligMuch reactions ang nangibabaw sa mga unang nakanood ng #AbbyTheOneForKevs prenup video.

Syempre, hindi rin napigilan na lumuha ng kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak dala ng saya sa nalalapit na kasal nina Kevin at Abby.

Netizens’ Congratulatory Messages

Bukod sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak, ipinahatid din ng mga taga-suporta ni Kevin at Abby ang kanilang mensahe para sa dalawa.

Wrasse: “Lupet ng mga shots iba talaga mag trabaho ang Cee Brothers Congrats Kevs and Abby kudos kila Bruce at Titus Ceee at sa ibang mga Directors na ksama ganda ng mga Shots”

Bret Heart Gregorio: “Grabe ito brodie! voice over palang sa reaction ang tamis na kaya totoo talaga yung reaction nila sa vlog mo. Ang lupit tol!!!!! Congrats sa inyo!!!!”

Laiza Mae Plaza: “Speechless ang ganda sobra yung story, yung cinematography hanep galing kudos to Direct Titus and team galing niyo po sobra.”

jey irish antenor: “This is it! You showed us na sobrang sarap magmahal! CONGRATULATIONS IN ADVANCE! #AbbytheoneforKevs”

Mhay Lopez: “Bravo! Congrats sa lahat ng nag effort na maging maganda ang kalalabasan ng pre-nup. COngrats! Direk Titus, Durek Bruce at sa iba pa behind the scene.”

Watch the full vlog below:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *