Steve Wijayawickrama Opens Up Life Story at GTV’s I JUANder

Tampok sa infotainment show ng GTV na I JUANder ang istorya ng buhay ng Sri Lankan Team Payaman member na si Steve Wijayawickrama.

Sa kanilang pre-valentine’s episode, ibinahagi ng editor-turned-vlogger ang kanyang natatanging kwento at pinagmulan bago pa man maging isang ganap na content creator.

Sri Lankan with a Filipino Heart

Bumida ang tinaguriang “Mr. Friendly” ng Team Payaman sa isang episode ng I JUANder sa GTV.

Dala ng kanyang mga katagang “Hello, my friend!” hindi maitatangging ito na ang naging bansag sa 23-anyos na vlogger na nagmula sa bansang Sri Lanka.

Ibinahagi rin ni Steve Wijayawickrama ang nakakatawang karanasan bago pa man tuluyang makilala ng kanyang mga naging kaibigan sa bansa.

“Kapag nakikita nila ako, anyone, sasabihin nila, ay andito na si bumbay! Akala nila maapektuhan ako. Hindi… Sinakyan ko sila!” kwento ni Steve.

Paliwanag ni Steve, ang kanyang hitsura ay namana niya sa kanyang ama na ipinanganak at lumaki sa Sri Lanka. 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakilala rin ng nanay ni Steve ang kanilang pamilya at istorya ng kanilang buhay.

“Nag-abroad ako noon. Nagpunta ako sa Saudi Arabia tapos doon ko na-meet yung daddy ni Steve,” ani Mommy Audrey Bulanadi.

“Si Steve yung lucky baby sa amin kasi nung pinanganak ko s’ya, nagsimula na kami sa Saudi ng business kami doon eh,” dagdag pa nito.

Sampung taon na ang nakakaraan ng maisipan ng Pamilya Wijayawickrama na tuluyang manirahan sa Pilipinas. Ngunit hindi naging madali para kay Steve ang makipagsapalaran sa bansa.

“Noong pagkapunta ko rito, wala akong maintindihan. Ngayon, kinakausap nila ako, tumatawa sila. Everybody’s laughing,” kwento nito.

Steve’s Vlogging Journey

Sa nasabing episode ng I JUANder, binalikan din ni Steve ang ilan sa mga lugar kung saan n’ya sinimulan ang kanyang vlogging career.

“I’m just a person who enjoyed just the fact of making contents, and Cong TV was making it like a stunt!” ani Steve.

Ayon kay Steve, isa ang content creation sa nagpapasaya sa kanya.

“Having a life that you really want, doing the things you love, doesn’t just give you happiness, but I was able to reach a lot of people, connect to a lot of people, and I was able to help my sister in her studies, and I was able to help my parents,” dagdag pa nito.

Watch the full episode below:

Yenny Certeza

Recent Posts

How Future Glow is Changing the Beauty and Wellness Landscape in the Philippines

Have you ever wondered who’s the big name behind the crowd-favorite wellness brands you see…

2 weeks ago

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

2 weeks ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

2 weeks ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

2 weeks ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

2 weeks ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

3 weeks ago