Whamos Taps Cong TV and Junnie Boy to be Baby Meteor’s Godparents

Kamakailan lang ay nagharap sa basketball court ang Team Paangat ni Whamos Cruz at Team Payaman ni Cong TV.

Bukod sa paglalaro ng basketball, kinuha na ni Whamos ang pagkakataon upang imbitahan ang ilang Team Payaman member na maging “ninong” ng anak nitong si Baby Meteor.

Ninong Cong and Ninong Junnie

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Whamos Cruz ang kanyang litrato kasama ang ilan sa mga miyembro ng Team Payaman na naglaro ng basketball sa Team Payaman Playhouse sa Cavite.

Whamos Cruz: “Team Paangat x Team Payaman. Solid na laro!” 

Sa isang Facebook reel ay ibinahagi naman ni Whamos ang naging karanasan matapos ang friendly game kasama ang Team Payaman.

“Tapos na kami mag-laro. Kita n’yo naman diba? Puro ako turo!” biro nito.

Matapos ang laro ay walang pag-aatubiling tinanong ni Whamos ang kanyang mga soon-to-be-kumpare kung maaari ba itong kunin bilang ninong ng anak na si Baby Meteor.

“Jun! Pwede ba kitang kuning ninong?” tanong ni Whamos kay Junnie Boy

“Ay, makakatanggi ba ako sa’yo? Bakit hindi di’ba? Sabi kasi bawal daw tanggihan ‘yan eh! Kaya kahit gusto ko tumanggi, wala akong magagawa eh!” biro naman ni Jun-Jun.

“Ang sama mo! Alam mo ba kung bat gusto kitang kunin na ninong? Para makuha ko na ‘yung pakimkim” pabirong sagot rin ni Whamos.

Matapos tanungin si Junnie, sunod na nilapitan ni Whamos ang kapatid nitong si Cong TV.

“Boss, kunin sana kitang ninong eh…” bungad ni Whamos kay Cong.

“Ay, lista mo ‘na! Ano gusto mo regalo?” tanong ni Cong.

“Yate!” pabirong sagot ni Whamos.

“Meron pang isa, a-advance sana ako pakimkim ‘eh!” dagdag pa nito.

“Ay, parang sumosobra ka na? Parang medyo umaabuso ka na sa part na ‘yon ah?” sagot naman ni Cong.

See you on Team Payaman Fair!

But wait, there’s more!

Makikiisa rin sa limang araw ng bentahan at kasiyahan sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario o mas kilala bilang Whamonette.

Ngayong March 8-12, abangan ang Whamonette sa Team Payaman Fair sa SM Megamall Megatrade Hall 1,2, at 3, kung saan makakabili rin kayo ng mga produkto mula sa Whamonette SkinCare.

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

13 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.