Team Payaman’s Boss Keng and Mentos Friendship Tested After ‘Jetski Prank’

Kahit nasa bakasyon ay hindi pinalampas ni Christian Exekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang pagkakataon na i-prank ang kaibigan at kapwa vlogger na si Michael Magnata, a.k.a Mentos. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng kung papaanong halos masubok ang pagkakaibigan nila ni Mentos dahil sa isang nakakakabang prank. 

Quick beach getaway

Kamakailan lang ag nagtungo sa Pico de Loro sa Batangas ang ilang miyembro ng Team Payaman upang mag relax. 

Kasama sa nasabing quick beach getaway ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar, Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, Mavi, Viela, Nanay Mercy, Mentos, Kuya Lim, Rhomil, at iba pa. 

Unang sumakay ang grupo sa isang speed boat para libutin ang karagatan. Ipisilip din ni Boss Keng ang kanyang jetski ride kasama ang video editor ni Pat na si Rhomil, driver na si Kuya Lim, at video editor ni Vien na si Paul. 

Jetski Prank

Pero hindi kumpleto ang vlog ni Boss Keng kung walang kalokohan. Matapos mag jetski kasama sina Rhomil, Kuya Lim, at Paul, sunod nitong inaya ang kababata na si Mentos

Ayon kay Keng, takot sa malalalim na dagat si Mentos kaya halatang ayaw nitong sumama sa kanyang trip. 

“Ayoko mag jetski, Boss Keng! Ayoko nga, natatakot ako,” ani Mentos. 

Pero di nagtagal ay nakumbinsi rin ito ng kaibigan at sinigurong hindi nya ito pababayaan sa gitna ng dagat. 

Pag angkas sa jetski ay bakas ang kaba ni Mentos at tila napilitan lang pagbigyan ang kanyang kaibigan. 

Habang nasa gitna ng dagat at biglang humarorot si Boss Keng, dahilan upang mapayapak si Mentos at magsisigaw sa takot. 

“Ano ba! Akala ko ba mabagal lang?” ani Mentos.

“Huy sabi ni kuya bawal daw mabilis!!!” dagdag pa nito.

Halos mang lambot ang Haring Bangus owner sa ilang minutong jetski ride kasama si Boss Keng, ngunit imbes na magalit ay dinaan na lang nito sa biro ang kanyang nararamdaman. 

“Sobrang bilis nun eh! Tumatama na ko sa’yo pre! Tatamaan ka na sakin!” biro ni Mentos. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

23 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.